KABANATA 31: MABIGAT ang aking dibdib at panay ang buhos ng aking luha ng humiga sa kama. Masama ang loob ko at napapaisip na din kung titigilan ko na ba itong kahibangan ko. Pero sa tuwing iniisip ko na aalis na si Lucas ay alam kong hindi ko kaya. Kumikirot ang puso ko. Mahal na mahal ko siya. Kahit itong pagmamahal ko ay naging sakim na. Bulag na sa tama. Nakakasal pa. Dalawang buwan lang. Siguro naman kung ganyan parin si Lucas sakin ay mapapagod na ko sa kanya at ako na ang susuko. Pero sa ngayon ay hindi. Ayoko pa siyang pakawalan. Madamot na at maka sarili. Wala na kong pakialam. Dalawang buwan lang. Kung wala padin. Sabi ko nga kay Yenny, ako na mismo ang aalis. Lalayo ako sa kanya dahil baka mas malala pa ang magawa ko kapag nabaliw ako ng tuluyan dahil sa l