KABANATA 23: PAULIT-ULIT kong binasa ang message niya. Lucas_Ortega: Are you sick? Hindi parin ako makapaniwala. Unang pagkakataon na nagpakita siya ng concern sakin. Wala naman kasing pakialam ‘yon e. Sa lahat ng pagsusungit at mga hindi magandang sinabi niya sakin ay pakiramdam ko naglaho lahat ng iyon sa simpleng tanong lang niya. Ang babaw para sa iba pero para sakin ay malaking bagay na. I’ve been dreaming of him being possessive or obsess with me. Bago mangyari ‘yan concern muna ang una pagkatapos ay lalalim na ang pagsasama hanggang sa hindi na namamalayan ay possesive na pala siya sakin. Sa sobrang tuwa ko ay pinaulit-ulit ko pang binasa ‘yon. Hindi naman siya magtatanong niyan kung wala lang ako diba? My hopes now went high. Ang bilis ni L