KABANATA 9: NAGPATIANOD naman si Jake sa hila ko sa kanya. Kaso ang yabang yabang! Binunggo pa ang balikat ni Mr. Lucas nung dumaan kami sa harap niya. Pagdating sa parking ay nakita ko na andun ang driver niya. Kaya pala nakarating dito kasi bitbit na ang driver niya. “Get in...” utos niya sakin na hindi ko sinunod. Nakapikit na ang mata nito at isang pitik na lang ay malamang babagsak na sa tulog. Bumaba ang driver niya at binuksan ang pinto ng sasakyan. “Uuwi na din ako. May dala akong sasakyan. Bukas na tayo magusap kapag hindi ka na lasing.” Tinutulak ko na siya papasok sa sasakyan nito. Tumango ito pero may huling pasabi pa bago ako sundin. “Hindi ka pa abswelto sa ginawa mo kanina. Huwag ka ng babalik diyan sa loob kundi babangasan ko