KABANATA 78: NAALIMPUNGATAN ako ng muntik ng mahulog sa upuan. Nakasubsob ako sa lamesa habang natutulog. Hindi ko na namalayang nakatulog na ko. Nagunat ako at napangiwi ng sumakit ang aking mga braso at kamay dahil ginawa kong unan iyon ng matulog. Madilim pa at malamig ang ihip ng hangin. Tumayo ako habang minamasahe ang braso. Pumasok ako sa loob ng kwarto. Mahimibing ang tulog ni Yenny ng tabihan ko. Natulog din ako pagkatapos. Nagising kinaumagahan dahil naririnig ko ang katabi na ka-video call si Axel. Umirap ako sa kawalan ng marinig ko ang hagikgik niya. Hindi ko man naririnig ang pinaguusapan nila dahil nakaheadset ito. Pero alam ko namang naglalandian sila, ano. Bumaling si Yenny sakin habang nakangiti. Tinapunan ko lang siya ng tingin at tumayo na. “Ang sungit! Mag-jowa ka