KABANATA 28

1796 Words

KABANATA 28:       BUMABA ako pagkatapos magayos ng kanyang gamit. Sumilip pa ko sa kusina para tignan kung nagalaw ba ang hinain kong pagkain. Napangiti ako ng wala na iyong mga nakalagay doon at malinis na ang lamesa.     Umalis na naman siya. Marahil ay lumabas para magpahangin. Ikinibit balikat ko na lang iyon. Tanghali na pero hindi pa ko nakaramdam ng gutom. I decided to watch movies pampalipas ng oras. Pero sa tuwing naiisip ko si Lucas ay panay din ang baling ko sa labas ng pinto na para bang anumang oras ay magbubukas iyon at iluluwa siya.     Inabot na ng hapon, kumalam na ang sikmura ko. Hindi pa ko nananghalian at hanggang ngayon ay wala parin si Lucas. Nagpasya na kong magluto ng pagkain para na din mamayang dinner namin. Natapo na ko lahat-lahat ay wala parin siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD