KABANATA 89: NAKATITIG ako sa labas ng bintana. Sobrang amazed sa ganda ng aking nakikita. Nagbalik saking alalala iyong panahon na pumupunta kami ni Lucas dito noon. Napangiti ako na puro lahat ng iyon ay maganda. Hindi naman kami nag-away sa Tree House kaya walang pangit na memories samin dito. “Why are you smiling?” tanong niya habang nakatagilid ang ulo at dinudungaw ako. Inabot niya sakin ang isang baso na may lamang ice tea. Kinuha ko iyon at sumimsim. Nakakauhaw din na maglakad ng matagal kaya tamang-tama na may malamig na inumin. Mabuti at may yelo dito. He chuckled. “We have ice cooler here. Every other day ko pinapapalitan ‘yan sa staff,” aniya na nahulaan pa ang iniisip ko. Natawa na din ako sa sarili. We both looked outside. Tumahimik kaming da