KABANATA 34: MAAGA akong natapos. Nagmadali talaga ako para makaalis sa kusina at iwanan siya. Nag-angat pa ito ng tingin at may bahid ng pagtataka ang mukha ng iwanan ko siya doon. Inabala ko ang sarili sa kakanuod ng movie. Tinuloy ko iyong pinapanuod ko kanina at hindi naman niya na ko pinakielaman kahit na tumitili ako kapag may intense na eksena. Dumaan si Lucas sa harap ko bago tuluyang lumabas sa mansion. Hindi ko siya pinansin at nakatuon lang ang atensyon ko sa palabas hanggang sa natapos na ay nagdesisyon akong magexercise. Ire-release ko muna itong slight stress ko sa kanya at sa nangyari kanina. Umkyat ako sa itaas at nagpalit ng damit. Mabuti na lang at kumpleto ako sa gamit. Nabitbit ko iyong gym attire ko. Kaya may nasuot ako ngayon. Pumas