KABANATA 21: NANGINGINIG ako ng magising. Nilalamig at nahihilo ako ng pilitin kong tumayo para lang patayin ang aircon. Hindi ko na alam kung ano ng oras pero madilim pa kaya bumalik ako sa kama para piliting matulog. Kaso para akong inuugoy sa sobrang hilo at kuntodo baluktot sa sobrang lamig. Tsaka ko lang narealize na inaapoy ako ng lagnat. Ang hina hina ng immune system ko. Naulanan lang kanina. Nilagnat na ngayon. Gusto kong umiyak. Ngayong may sakit ako walang ibang may alam at walang ibang pwedeng tumulong sakin kundi sarili ko. Sobrang lungkot ko noon kapag nararanasan ko ‘to. Dahil hindi tulad ng iba, may magulang na nagmo-monitor at nagaalaga sa kanilang magulang kapag may sakit ang anak. Ako kasi wala. Nung maliit ako, si Manang Julia ang andyan s