KABANATA 56: DUMILAT ako ng mata ng marinig ang tili ni Remi sa kotse. “What the—” si Megan na iritable ang tingin kay Remi. Tapos kami ni Yenny ay ganoon din sa kanya. Pinakita niya ang cellphone niya sakin pero dahil kagigising ko lang ay nanliliit pa ang mata ko doon at wala akong maintindihan sa dinudotdot niya sakin. “Just tell us what is it! May pa tili-tili ka pa,” si Yenny. Si Megan naman ay nakakunot ang noo dahil hindi na naintindihan ang sinabi ni Yenny. Siguro dapat na ‘tong turuan ng tagalog para siya na ang magadjust samin. “E, kasi itong reply mo kay Clarenz nagte-trending sa social media! Alam mo bang sikat ‘yan sa Pilipinas? Tignan mo andaming comments! Biruin mo ba naman isang supermodel! Nagreply sa katulad niya.” Kumindat