Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 30: Sugat sa dibdib Tuloy ang aking ginawang pag iyak at doon ay sinilaysay ko sa kanila ang mga ginawang kataksilan ni Malik. Hanggang sa mga oras na ito ay masakit na masakit pa rin ang aking puso at wala yatang paraan upang humupa ito kundi ang pag iyak. Minsan lamang ako mag mahal ngunit ibayong sakit pa ang inabot ko. Sana ay hindi ko nalang nadama ito, sana ay pinigilan ko ang aking damdamin na huwag mahulog sa patibong na inihanda ng pag ibig. "Anak, walang perpektong relasyon dahil ang lahat ay dumaraan sa pag subok. Ang bawat pag aaway at tampuhan ang nag papalakas sa pag sasama ng dalawang taong nag mamahalan. Alam namin na masama ang mag taksil ngunit hindi namin maaaring husgahan ang iyong asawa sapagkat hi