"What?! Nakalabas ang itchy b***h na iyon?" maang na tanong ni Agatha sa kasintahang maagang dumalaw. Hindi nga niya ito inaasahang makita sa pagkakataong iyon dahil ang usapan nila ay magkikita na lamang sila sa pamamanhikan nito. "Ha? Sino siya, Sis?" maang ding tanong ni Andrew. Tuloy hindi alam ng binata kung sino ang uunahing sagutin. Kung ang kasintahan ba na salubong ang kilay o ang kapatid nito na nagtataka sa pangalang binangggit ng dalaga. "Sino pa ba, Kuya, kundi ang babaing ambisyosang nagpanggap na ako. Nang dahil sa pekeng anklet ay naglakas-loob ang gagang iyon na sirain ang lahat," kunot-noong sagot ng dalaga. Dahil dito ay napakamot sa ulo ang dalawang binata. Alam naman kasi nilang malaki ang galit nito Silvia Silvestre kaso hindi naman nila akalaing magiging amazon