"Ayokong pakialaman ka sa personal mong buhay, pinsan. Pero sigurado ka ba riyan? I mean sa nararamdaman mo kay Pareng OC?" tanong ni Brian Niel kay Sylvia. His cousin, SYLVIA MONDRAGON not the itchy bitchy SILVIA SILVESTRE. Sa katunayan ay wala naman siyang tutol kung sakali mang magkagustuhan ang dalawa. Kaso ang kaibigan niya ang diskumpiyado pa siya. Kung tutuusin ay kagagaling lang nito sa pagkabigo. Isang taon na ang nakalipas kong hindi siya nagkakamali. Hindi naman sa wala siyang tiwala kaso kaibigan at pinsan niya ang sangkot. "Oo naman, pinsan. Matagal ko na siyang gusto o mas tamang sabihing mahal. Way back then, lagi ko siyang nakikita rito lalo at taga dito naman siya. Kapag nandito ka, nandito rin siya as of now, nandito ka, ganoon din siya. Bihira man akong umuuwi ng bans