IKA-SINGKUWENTA SINGKO NA KABANATA

2996 Words

One year later... "Okay ka lang ba, anak?" tanong ni Mang Carlito sa manugang. Kabaliwan man siguro ang tanungin pa niya kung okay lang ito. Halata namang hindi maganda ang pakiramdam nito. Ngunit hindi naman niya maaring pabayaan lamang. "Opo, 'Tay. Huwag mo po akong alalahanin," tugon ni Brian Niel. Pero sa kaloob-looban niya ay gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kasinungalingan. Hindi naman talaga siya okay ngunit ayaw niyang ipakita sa iba ang tunay niyang nararamdaman. "Anak, maari mo namang sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo. Makikinig ako, anak," muli ay wika nito. Kaya naman ay napatingin siya sa malawak na karagatan. Nasa gitna sila ng karagatan kaya't malaya niyang natatanaw ang magandang tanawin. Mas maganda pa sana kung katabi niya ang asawa niya, kaso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD