"Hey, will you stop that! My goodness, Brian Niel Mondragon! Hindi na nakakatulong ang ginagawa mo!" malakas na sigaw ni Franklin sa kaibigan. "Pare, naman, bakit ka sumisigaw? Makakausap naman natin siya ng hindi sinisigawan," sawata ni Allick Francisco sa bayaw. Daahil bihira lang ito magtaas ng boses pero delikado kapag nangyari iyon. Malakas ang self-control nito pero kapag nagalit ay tahimik silang lahat. Sa madaling salita ay takot sila kapag ito ang nagalit. "H-hayaan mo lang, P-pareng Allick hik. H-hindi naman ako g-galit sa kanya," pautal-utal na pagitna ni BN sa magbayaw. Aminado naman siyang naparami na ang nainum niya pero matino pa ang isipan niya kaya't alam na alam niya ang pagsigaw at pagsaway ng kaibigan din nilang bayaw nito. "Alam mo bang gustong-gusto kitang bugbug