Kabanata 15 | Magical Water Fountain Show

1740 Words
Ilang minuto pa nagsimula ng gumalaw ang water fountain. Sinindihan na rin ang iba’t ibang kulay ng ilaw sa ilalim ng tubig. Hindi pa nagsisimula ang pagsayaw ng water fountain sa saliw ng tugtugin ng katutubong Catalan. It’s an amazing twenty-minute water fountain dance show na alam kung magugustohan ni Aria. My mother and I watched the show so many times. Kasama namin noon si Papa, marahil pakiusap iyon ni Inay kaya ilang araw siyang naging ama sa akin. Maikling sandali lamang na nakasama ko ang aking mga magulang. Minsan sa buhay ko may ilang araw na nabuo ang aking pamilya. Ilang buwan ang nakalipas matapos ang bakasyon namin sa Barcelona nagdesisyon si Inay na umalis na sa mansyon ng aking ama. Kung ano-anong kasamaan ang ginagawa ng asawa ni Papa sa nanay ko. Iyong huli, hindi si Inay ang pinagtanggol ni Papa. Saktong nakita ni Papa ang paggulong ng kaniyang asawa sa hagdanan. Hindi naman ito tinulak ni Inay kundi kusang nagpatihulog sa hagdan ng makitang papasok na si Papa sa pintuan kasama ang kapatid ko. Hindi ko noon maintindihan kong bakit nagtatalo ang lola ko at si Papa araw-araw. All I remember is sinabi ni lola na pagsisihan ni Papa na hindi ako ang pinili nito. Nagmakaawa pa si Papa na ‘wag siyang iwanan ni Inay. Ang sabi nito ipadala na lamang ako sa Pilipinas basta naroon sa tabi niya ang nanay ko. Hindi iyon nagustohan ni Inay. Tandang-tanda ko pa ang pagalit na utos ni Inay sa akin. Iyon ang una at huling tinaasan ako nito ng boses. Malambing ang nanay ko. Sobrang lambing at magpagmahal. “Maximilliano, magimpake ka na. Uuwi na tayo. Ayokong aapak ka pa sa pamamahay na 'to kahit kailan.” “Inay, bakit tayo aalis? Paano si Lola Celes?” “Anak, patawad. Akala ko masisikmura. Hindi ko na kayang maging pangalawa lang sa buhay ng Papa mo. Mas hindi ko na kayang nakikita kitang nasasaktan araw-araw.” Hanggang sa nakabalik na kami sa Tondo. Araw-araw pa rin ang paghingi ng tawad ng nanay ko sa akin. A few months later, my grandmother passed away. Wala naman kaming salapi ni Inay para daluhan ang libing niya. Dumaan pa ang mga taon. I was working as a private bodyguard sa anak ng doktor ng nanay ko. Kapalit iyon sa libreng pag-opera nito sa puso ni Inay. Doctor Leviste was kind to give as a roof to stay. Kaya naman naranasan pa rin ni Inay ang magandang buhay bago ito pumanaw. Madalas akong wala noon dahil kailangan kong sundan kong saan man gusto pumunta ng anak ni Dr. Leviste. Ginawa pa akong nitong personal assistant at driver niya bagkus na bantay lamang. Naawa naman ako dahil pareho kaming galing sa hirap. Mabait naman ito sadyang may katarayan lang. Aria must have been the same age as her o mas matanda si Aria sa kaniya ng ilang taon. Nang makabalik ako sa Pilipinas galing Korea, I did not expect my brother would come around. He forced me to marry the woman my father had set up for me. Wala akong pakialam sa kayamanan ni Papa maayos na naman ang buhay naming ni Inay dahil sa bagong trabaho ko. My brother, however, intentionally blackmailed me. He drugged me. Pinabugbog niya ako hanggang sa pumayag akong pumirma sa isang contract marriage. Hindi pa siya nakontento ginamit niya pa si Inay para pumayag akong hatian ko siya ng mana ko. Dahil sa takot ko na masaktan ang aking ina pumayag ako. I shouldn’t have. Hindi lang buhay ko ang sinira ng kapatid ko pati na rin ang babaeng na ngayon ko lang napagtanto na kahit hindi ko nakilala o nakasama sa mata ng batas asawa ko pa rin siya. Panahon na para balikan ko ang kapatid ko. Tama lang na ayusin ko ang kung ano mang kamaliang nangyari noon. “Ang tagal naman, Ian,” reklamo ni Aria habang tinanggal ang sombrero niya. “Put it back, Aria. Malapit na magsimula.” “Umiiyak ka ba?” “Hindi, napuwing lang.” Naaalala ko si Inay habang unti-unting nagsisimula ang pagsayaw ng tubig kasama ang pagpalit-palit ng iba-ibang kulay ng ilaw. Kasabay ang ritmo ng klasikong tugtugin ng mga Catalan. # # # Kahit na gustong-gusto ko na pumunta kung saan-saan. Kahit na sana’y ako sa maraming mat ana nakatitig sa akin. Hindi pa ko pa rin magawang maging kumportable na napapagitnaan ng mga nagsisiksikan mga tao sa iisang lugar. Para akong malalagutan ng hininga sa dami ng tao sa paligid ko. Hindi ko naman masabi kay Ian that I don’t like being in the middle sandwiched in between the crowd. Then, I saw some flashes of a camera that were pointed towards us. Sakto iyon sa kinatatayuan namin ni Ian. Ayokong sirain ang sorpresa ni Ian sa akin kaya’t pinagwalang bahala ko na lamang. Marahil paparazzi lang naman. Kung kumalat man iyon sa newspaper sa Italya wala na akong pakialam. It would be easier for me to file a divorce. May rason na ako kung bakit kailangan kaming maghiwalay ni Giancarlo. I might be using Ian to get my freedom back. At the end, para sa amin rin iyong dalawa. Pareho naman ang sitwasyon naming dalawa.Mapapadali rin ang proseso ng pakikipaghiwalay niya sa dapat ay asawa niya. A photo showing us together in Barcelona would be a case of a******y that I can pay a fine with my money. Wala namang hindi nababayaran. I can use all the millions I had para lamang makalaya ako kay Giancarlo. Takot man ako sa kaniya. Now, I know Ian can back me up. Kaya niya akong ipagtanggol kanino man. I know he will fight for me kahit mismomg si Giancarlo pa when the time comes. “Are you ready, Aria. The show is about to start any minute now.” “Ano’ng show ba ito, Ian? Eh, nakatitig lang tayo sa water fountain na maraming tao.” “Montjuic magic fountain show,” aniya. Then a magnificient display of distinct colors of lights along with the water dancing in the air started. I was in awe! Napakaganda iyon. Para akong batang nanood ng water fountain shows sa Disneyland at sa Fountains of Bellagio sa Las Vegas. “Oh, ito pala ‘yon. Fuente Mágica de Montjuic. It is magical indeed—a real drawcard. Salamat sa pagdala sa akin dito, Ian. The light and music choreography are beyond amazing. I like the Catalan’s classical music with the modern Spanish pop hits.” “Salamat nagustohan mo ang twenty-minute water dance show. Akala ko hindi mo gusto ang ganitong show.” “I love the show. Very much. It has spellbinding effect.” “Sana nakapasok ang mahika sa puso mo.” “Gutom lang ‘yan. Tara na malamig na iyong pagkain binili mo.” I saw another flash of light much closer to where our car is parked. Nasilayan ko muli ang tauhan ni Giancarlo. Pinasundan niya nga ako. I think of a way na hindi na ako nito masusundan. “Uhm, Ian. Okay lang ba if we hail a cab to the airport instead of using your rental car?” “Why? Ihahatid kita then I’ll take a cab back to the airport. Safe ka na sa loob ng airport wala sayong makakalapit roon.” “Hindi na. Idaan na lang natin ito sa rental car station. Mag-taxi na lang tayo ng magkasabay. ‘Wag mo ko iwan sa airport.” “I’m sorry. Hindi ko naisip baka mangyari ulit ‘yong kanina. Okay, we’ll drop this car. Then, we will hail a cab.” “Thanks.” Makalipas ang isang oras na biyahe magmula sa castillo papunta sa rental car station nakarating rin kaming dalawa sa airport. Bitbit niya ang kaniyang duffle bag habang hila ko ang akin. Tig-isang carry on luggages lang kami. Wala masyadong pasahero dahil hating gabi na. Kadalasan punong-puno iyon kapag sa umaga. At this moment, all I wanted to do is walk inside the plane. Ayoko ng alalahanin muna ang mga pinaggagawa ni Giancarlo. Why send someone to trail after me matapos ang panloloko niya sa akin? “Natutulala ka na naman, Aria. We agreed not to think of them, right?” “Pasensya ka na. Mahirap. Mahirap pa lang basta-basta na lang kalimutan.” “Forget about him for now. Nasa tabi mo naman ako, Aria. Ako muna ang isipin mo.” “You sounded like a jealous boyfriend,” I said, smiling at him. Nakakatuwa siya magselos hindi galit. Ganito ba talaga si Ian? Sa kabila ng kasiyahan nababahala pa rin ako sa banta ng tauhan ni Giancarlo. Two days—within in two days kailangan nasa Vienna na ako. Isang linggo kaming mamamalagi ni Ian sa Switzerland. I am up for some museum visits and classical music concerts. Gusto ko rin mag-skiing and some alps cable car ride. “Hindi pa ba tayo?” “Tayo na ba?” “Aria, we shared the night already. Shouldn’t we make us, official?” “That was just s*x, Ian. Hindi naman dahil may nangyari sa atin. Tayo na agad. It’s normal stuff that adults do.” “Normal pala sayo nakipag-ano sa hindi mo naman kilala. Nonetheless, I am honored you give yourself first to me. I’ll treasure you, Aria. Iba man ang pananaw mo.” “That’s not what I mean. Hindi ako pakawala, Ian. Nadala rin lang ako.” ‘Paano ko ba matatangihan ang kasing kisig niya? Dampi pa lang ng kaniyang mga palad sa aking balat it’s already sending tingling sensation between my legs. Lasing ako kagabi but it did not mean wala akong maalala. Dahil natatandaan ko ang lahat ng nangyari sa aming dalawa. I remember how many times our body became one. “Quit it. Tara na sa loob. Mauna ka na mag-check in. I have to make a phone call,” he said, his voice sounded upset. Hindi tuloy ako mapakali na inis siya sa akin. I don’t want to leave a bad impression on him. Ayokong isipan niya na napakaliberated ko. I don’t want him to think that what happened between us ay walang kahulugan sa akin. Importante sa akin ang bawat segundo naming pinagsaluhan. Every millisecond I am with him is a happiness that money can’t buy. Kahit pa siguro lunurin ako ni Giancarlo sa lahat ng mamahaling bagay hindi ko ipagpapalit ang ilang sandali na nakasama ko si Ian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD