NAKAILANG SERMON MUNA si Mama bago ako nito ipinagluto. lpinangako ko sa kaniya na ibabalik ko si Aria. Siya ang pag-asa kong maibangon ang winery. Hinding-hindi kami maghihirap katulad ng naranasan ng tunay na anak ni Papa. Yes, I stole what was his including his betrothed. Kulang pa iyon sa sakit na naramdaman ko ng malaman kong hindi pala ako dugong Palermo. "Nasaan si Nenita?" tanong ng aking ina. "Namalengke, Mama." "Aba, mag-aalas otso na hindi pa rin nakakauwi?" "Mama, bago lang rito si Nenita. Hindi niya naman alam ang pasikot-sikot sa bayan." "Ayusin mo 'yang kalokohan mo, Giancarlo. Susubukan kong makausap si Binday baka may masagap akong balita sa kaniya. Wala pang isang buwan nagsilayasan na lahat ng kasambahay sa bahay mo,” anito. 'Paano niya kakausapin si Nanay Binday?'