PILIT KONG KINALMA ang aking sarili bago ko binalikan si Aria. Everything must remain the same na tila wala akong alam sa katotohanan. I can't ruin what we have now. Kung pinagtagpo kaming dalawa ng Maykapal. Tiyak na darating rin ang tamang oras upang malaman niya na ako ang nakalagda sa dokumento ng kaniyang kasal. Luigi's investigation is like a Pandora's box. I opened it and all these secrets were revealed. Now, I don't know where to start or end it. Sa lahat ng aking natuklasan. Nagulumihanan ako kung bakit ngayon lamang binanggit ni Luigi ang patungkol kay Monique at sa kapatid ko. 'Inutusan kaya siya ni Inay na imbestigahan ang dalawa bago ito pumanaw?' Malapit si Luigi kay Inay simula noong mga bata pa kami. Kasambahay rin ng mga Palermo ang kaniyang ina at drayber ni Lola Ce