Gusto ni Tita Erina na mag-law school si Eris abroad. Ayaw ni Eris at ayaw ko rin naman dahil magkakalayo kami. We've been together for years now, at ngayon palang kami magiging LDR kung sakali. At hindi namin alam kung kaya ba namin 'yon. Pero nang kausapin na ako ni Tita ay wala rin akong nagawa. Mahal ko si Eris, at importante narin sa akin ang mga taong importante sa kaniya. I respect her family as much as I respect my love. Kaya nirespeto ko ang gusto ni Tita. "We can do this. Pupuntahan kita doon. I'll visit you often." nakangiti kong pagpapagaan sa loob niya—kahit pa sa loob ko ay nanghihina ako. She hugged me from the side. Binalot ko rin siya ng yakap at hinagkan sa ulo. I will miss her, damn! But this is also for her. For her dreams. At kaya ko namang maghintay. Iyon naman