Nauna akong umahon kanila Axel na naiwan doon – hindi pa nagsasawa ang dalawang bata. "Umahon na rin kayo mamaya. Sisipunin ang mga bata, Axel." bilin ko. Wala na rin si Selena doon, at naabutan kong naroon na siya sa may mga sunlounger. Lumapit ako doon at kinuha ang iniwang dress para muling isuot. Wala na sila Janine na iniwan ko rito kanina. Siguro ay sumunod kanila Mommy Anna o nasa villa. "Naalala mo noon, Eris..." Binalingan ko ng tingin si Selena nang bigla siyang nagsalita. Nakaupo siya doon sa isang sunlounger, habang nanatili naman akong nakatayo matapos makapagbihis. "Noon... kung ano ang mayroon ka ay mayroon din ako..." hindi siya nakatingin sa akin. Umakyat ang iritasyon sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin? "Ah," tumango-tango ako nang makabawi. Nag-angat