"Selena?" pagkatok ko sa pinto ng kaniyang nirerentahang apartment. Just yesterday nalaman ko kay Axel na aalis na raw siya sa trabaho. He already told me her reason ngunit gusto ko pa rin makausap ang kaibigan ko. I've tried calling her ngunit hindi naman niya sinasagot. When I texted her ay nag-reply siya at sinabing puntahan ko nalang raw siya rito at masama ang kaniyang pakiramdam. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang namumutlang si Selena. "Eris... Pasok ka." "Pasensya na ka na at medyo magulo," nangiwi niyang paumanhin sa ayos ng tinutuluyan. Maagap ko naman siyang inilingan. "No, it's okay." "Upo ka at ikukuha kita ng maiinom." lahad niya sa maliit na sofa na naroon. "Kahit tubig nalang, Selena." habol ko sa kaniyang patungo nang kusina. Bumalik siya dala ang isang