PMS3-19.4 NAPABUGA siya ng hangin kasabay ang pag-unat niya ng kanyang mga braso. "Kailangan ba talaga Cam, mag-yoga pa ako? Hindi ba bawal sa buntis iyan?" aniya pa dahil gusto na niyang itigil ang kanilang ginagawa. Inaantok pa siya kahit alas diyes pa ng umaga. "Nope. You need this. It help you calm down and stress free. Huwag na kumunot ang noo, okay?" Napanguso lamang siya at sinunod na lamang ito. Cameron is guiding her. Ano ba ang alam niya sa ganito? Kumain at matulog lang ang kaya niyang gawin ngayon aside sa pagkain ng marami. "Breathe heavily then release it slowly," instruct pa nito sa kanya. Again she followed him and deny it or not, she feel at peace. Gumaan nga ang kanyang pakiramdam. "Cam, sa tingin mo ba? Normal delivery lang ako?" nag-aalala niyang tanong at hindi