Ilang beses akong napalunok habang nakatingin kay Mr. Muller. May kung anong nagtutulak sa akin na lapitan siya; na titigan siya nang malapitan. Kunot-noo akong napaiwas ng tingin at piniling lumabas na lang ng kwarto para maghanap ng maiinom na tubig. Nakasalubong ko pa ang attendant na nagbigay sa amin ng juice. “Ikaw…” Hindi ko magawang makapagsalita nang tuwid dahil patindi nang patindi ang init na nararamdam ko. “A-Anong pinainom mo sa amin?” tanong ko sa kanya sabay hawak sa palapulsuhan niya. “Ano pong ibig n’yong sabihin, ma’am?” nagtatakang tanong niya at bahagya pang kumunot ang noo. “All I have given you was an orange juice.” “N-No…” Umiling ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. “Hindi ako naniniwalang juice lang ‘yon. There must be something in it,” giit ko pa bago s

