Kabanata 46

1002 Words

Desperada na akong makauwi sa bahay at makasama nang matagal ang pamilya ko kaya heto ako ngayon sa passenger’s seat ng mamahaling kotse ni Uriel na bumubukas pa ang atip. Wala akong nagawa kundi ang isama siya dahil ‘yon lang ang tanging paraan para makapag-stay ako nang matagal sa bahay. Wala namang reklamo si Lolo Henry doon. Masaya pa nga siya na sasama si Uriel dahil para daw mas mataas ang tiyansa na magkalapit kaming dalawa. Pero hindi ‘yon ang inaalala ko, kundi si papa! Hindi lang si papa kundi ang buong pamilya ko talaga. Nauna na nilang makilala si Logan bilang manliligaw ko kaya hindi ko alam kung anong masasabi nila sa oras na makita nila si Uriel. “Let’s go?” sambit niya. Kaylaki ng ngisi niya habang binubuhay ang makina ng sasakyan. “I can’t wait to meet your family.” “Ur

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD