Kabanata 73 Nakayuko kaming dalawa ni Uriel habang kaharap sina mama at papa. Tahimik lang ang paligid pero dama ko ang tensyon sa pagitan namin. Kaybilis din ng kabog ng didbib ko dahil hindi ko mapigilang kabahan habang hinihintay na magsalita sila mama at papa. Nakahawak lang ako sa kamay ni Uriel dahil hindi ko magawang tumingin nang diretso sa mga magulang ko. Kay talim ng tingin nila sa amin, lalo na si papa na kulang na lang ay sakalin niya ako at Uriel. Hindi na kasi kami nakapasok pa sa bahay kagabi. Uriel and I slept in his car until morning. Hindi namin nasabihan sina mama at papa na sa kotse kami matutulog kaya hinanap ako ni papa kinaumagahan at nadatnan niya kami ni Uriel na magkayakap. Ang malala pa ay walang suot na damit pang-itaas si Uriel nang silipin niya kami. Nagis

