Kabanata 64 Ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ko. And it usually gets worse in mornings then gets better later. Pero may mga pagkakataon pa rin na halos maduwal ako at matumba dahil sa labis na hilo. And I have been trying to hide it from everyone, lalo na sa mga kasama ko rito sa mansyon. “What’s this foul smell?” dinig kong angal ni Uriel nang makapasok siya sa kwarto. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya habang inililibot ang tingin sa paligid ng kwarta. “It’s horrible!” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “Horrible? Grabe ka naman!” angal ko rin at masamang tumingin sa kanya sabay lapag ng kinakain kong mango ice cream at isang garapon ng bagoong. “Pagkain ko ‘yon, Uriel. Pagkain!” “What? May pagkain bang mabaho?” sagot niya at halos mag-isa na ang mga kilay dahil s

