Kabanata 76

1610 Words

Kabanata 76 Third Person’s Point of View Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Kristine na siyang bumasag sa katahimikan ng buong mansyon. Madaling araw pa lang, ni hindi pa sumisilip ang liwanag mula sa papasikat na araw pero gising na gising na ang diwa niya dahil sa labis-labis na sakit na nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag ang sakit at kirot na nararamdaman niya sa kanyang tiyan. Parang tinutusok-tusok na ewan. “H-Hon!” natatarantang sambit ni Uriel bago ito mabilis na bumangon. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala matapos magising sa hiyaw ng asawa. “What’s wrong?” tanong niya rito. Tanging pagngiwi lang ang naisagot ni Kristine habang hawak-hawak ang tiyan niya. Mabilis siyang napakapit sa braso ni Uriel at halos bumaon ang kuko niya. “A-Ang sakit ng tiyan ko,” halos p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD