BLACK CHAPTER 6

2424 Words
After nya kaming ipatawag at sabihan ng walang kwentang salita eh agad na rin naman kaming umalis sa faculty ng first year since ayaw din naman naming makita ang pag aaway away ng mga teacher doon dahil sa amin. Totoo naman talaga hindi naman talaga naming kasalan na masyado kaming busy at hindi na pumapasok sa klase and also wala na rin naman paki si Misis Reyes doon dahil in the first place second year na kami at hindi nya kami nahawakan kahit na isang sem man. "Naloka naman ako doon mga bess." Nailing na sabi ni Yana habang hinihilot nya ang sintido nya. "Kahit din naman ako eh. Hindi ko talaga magets kung paano sya naging teacher dito and also heck ang bait nya sobra nakakakilabot." Nag-act pa si Min na parang kinikilabutan. "Malay nyo naman may ill intention ang tao." Napatingin naman silang lahat sa akin. "Or maybe nasa lahi na talaga nya ang makialam ng buhay ng iba." Dagdag ko pa at nag nod naman sila. "Ayaw ko pa naman ang pinapakialaman ako." Nag pout pa si Kass saka bumuntong hininga. "Pero seryoso ayaw ko sa teacher na yun buti na lang talaga hindi natin naging teacher yun kung hindi baka kung ano na nagawa ko. Baka di pa ako napasama sa verdant." Laki talaga ng issue naming sa mga nakikialam ng ginagawa namin. Hindi naman sa ayaw naming ng guidance ang ayaw lang naman naming is yung sinasabihan kami kung ano ang dapat naming gawin. Ano pa ang silbi ng utak naming kung nanjan lang din naman pala sila para sabihan kami ng kung ano ang dapat naming gawin di ba? Paano kami matututo? Sa pagkakamali kami matututo. "Pero infairness ibang klase din ang mga naging teacher natin dati." Sumang-ayon naman kami kay Jullia. "Indeed. Hindi nila tayo laging nakikita pero alam nila ang mga dapat nilang sabihin at mga hindi dapat." Sabi ko pa. "Pero ang kapal talaga ng face lalo na pag galing sa organization no?" natawa naman kami ng mahina sa sinabi ni Kass. "May point ka jan. Since hindi nya nakuha ang ibang verdant I know na mafufrustrate sya dahil hindi nya rin tayo nakuha." -Yana Pabalik na sana kami nang harangin kami ng isang lalaki. "Hi." "Alam mo kuya kung ako sayo hindi na ako ngingiti ng parang aso." Napacross arm pang sabi ni Min. Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa babaeng to o hindi eh. Alam naman nya na may balak tong mga lalaking to eh nagawa pang magbiro. "Laro tayo." "Mister." Napatingin naman ang lahat kay Jullia. Since nasa hallway kami kaya naman maraming nakatingin sa amin. "You're in class E I think before you play you should study first." "Jullia is right. This is a place to learn not to play." Dagdag pa ni Kass "And please excuse us marami pa kaming kailangang gawin." Nauna akong maglakad sa kanila pero di pa man nakakalayo ay agad na rin naman nila akong hinawakan kaya naman natahimik ang lahat sa paligid namin. I look at him from head to toe. "I don't want to play and I am not a child anymore. Get your hands of me and I still need to do something much more important than playing with you." Nakakaasar na tong mga lalaking to ah nakuha pang ngumiti sa akin ibang klase. "I like it when a girl playing hard to get. Oh babe co-" "Are you trying to disrespect me? Your senior? Look at yourself hindi naman ata porque nakapasok kayo sa school na ito kaya nyo na ang lahat, you may be gifted before but at this point?" I paused and then look at them "I can't tell. You're being arrogant and you have the overflowing confidence which I don't like. Stop messing with us." I remove his hands and continue to walk. Nararamdaman ko naman na hindi na maganda ang gusto ng mga ito. Kinikilabutan talaga ako sa mga nararamdaman nya. "HOWARD!" napatingin kaming lahat sa sumigaw at nakita ko ang isang babae at nang makita ko ang badge nya agad akong napahinga ng maluwag. Ayoko masira ang image ko dahil lang sa lalaking to pero kung no choice ako baka kung ano na nagawa ko. "PARA KA TALAGANG TANGANG LALAKI KA! HINDI KA BA NAHIHIYA SA SARILI MO? SECOND YEAR NA YANG BINABASTOS NYO AND FORE PATES SAKE ISA SILANG VERDANT ELLIPSE!" Naramdaman ko naman ang takot nila nang malaman nila kung sino kami. Hindi ko alam kung nagbubulagbulagan lang ba sila o ano, alam ko sa sarili ko na kilala nya kami. Yun ang nararamdaman ko sa kanila. Pero dahil may kailangan pa kaming gawin hindi na ako nagsalita pa. "Sorry po." Agad na sabi sa amin ng babae. "Okay lang. Sa susunod pakidisiplina ang mga lower year ng maayos. Tandaan nyo hindi nyo masasabi kung mag-istay pa ba kayo rito o hindi." "Yes, Miss Alyana." Habang paalis kami sa scene naririnig ko naman ang mga usap usapan nila. 'Swerte nila hindi sila pinarusahan.' 'Right. Kung hindi baka nagaya na sila doon sa babaeng nakakulong pa rin sa detention office.' Oh speaking of detention office, nakita ko naman na naglalakad papunta sa amin ang isa sa babaeng nagbabantay sa detention office. "Guys." Nakangiti nyang sabi kaya naman napangiti din naman kami sa kanya. "Hello. Bakit?" tanong ni Min bago pa man nya isubo ang biscuit na kanina pa nasa lab gown nya. "Sabi ng detention head ready na daw po si Miss Nikka mag memorize ng periodic table." Nakangiti nyang sabi at mukhang tuwang tuwa. "Laki ng ngiti ah." Pabirong sabi ni Jullia at natawa naman ang babae. "Matagal tagal na po kasi simula noong may nastock doon sa detention room. At least may kasama ako sa loob although hindi ko naririnig ang sinasabi nya at mga sinisigaw nya at least alam ko na may kasama ako." Naglakad kami papunta sa detention room habang nagkukwento sya. Mabait naman sya at dahil na rin sa hindi malaki ang tolerance nya sa mga pagkakamali at gusto nya laging perfect at gusto nya rin walang gulo lagi kaya naman inassign sya sa detention room. "So senior ka pala naming." Natatawang sabi ni Min at nag nod naman si Emily. Emily ang pangalan nya at based sa narinig ko kanina third year na sya dito at nagbabalak na syang maghanap ng magandang career simula next year dahil fourth year na sya pero hindi pa rin naman sya sigurado sa kukunin nya dahil yung parents nya ang magdedecide. "Alam mo kung ako sayo hindi ako magpapadala sa mga sinasabi ng iba." Paninira ko sa usapan nila at napatingin sila sa akin "Hindi naman sa nakikialam ako pero ate Emily matalino ka, may sarili kang utak at kaya mong magdesisyon sa sarili mo dapat hindi lagi ang iba ang inaalala mo lalo na kung iba ang gusto mo sa gusto ng mga magulang mo. Oo magagalit sila, madidisappoint pero isipin mo sa tagal ng panahon mong sinunod sila di ba dapat ang sarili mo naman ang sundin mo?" After ng tanong ko hindi na nagsalita si ate Emily, ramdam na ramdam ko na naiinis sya hindi dahil sa sinabi ko kung hindi dahil sa tama ang sinabi ko para sa kanya pero nagdadalawang isip pa rin sya. Hindi nya pa rin alam kung dapat ba talaga na sundin ang gusto nya, na dapat ba at tama nga ba ang magiging desisyon nya, paano kung nagkamali ka and so on. Bago pa man pumasok sa detention room ay nagsalita ulit ako. "Ate Emily, hindi porque nagkamali ka at nagfail ka sa isang bagay malaking kakulangan na yun. Remember bago ka maging successful kailangan mo muna dumaan sa maraming hardship, hindi din porque na disappoint mo sila ibig sabihin wala na silang paki, malay mo naman hinihintay ka lang nilang kumalas sa kadena nila." After kong sabihin yun ay agad na akong pumasok at nakaramdam naman ako agad ng unwelcoming vibe at tiningnan ko si Nikka saka ngumiti sa kanya. Halata ang pagbabago sa kanya, medyo namuti sya, tapos medyo din namang nagdry ang skin nya and also mawawala ba ang pagpayat? Of course hindi, namayat sya although nagpapakain naman ng nakatambay dito ang head ewan ko lang baka may ginawa syang di maganda. "Sa wakas nandito ka na rin." Napatingin ako kay Sir Arnold at napahawak naman sya sa sintido nya "Sawang sawa na ako sa pagmumukha ng batang yan at mas lalong sawang sawa na ako makinig sa mga reklamo nya kaya naman dalawang beses ko lang sya pakainin, umagahan at tanghalian." "Okay lang yan Sir Arnold at least parang natuto naman ata." Ngumiti naman nang nakakaloko si Yana "Natuto nga ba?" "Bullshit! Tigil tigilan nyo ako!" inis naman nyang sabi kaya naman nagbago ang timpla ng mukha ni Sir Arnold. "You dare to speak ill to my student in front of me?" uh-oh galit na si Sir. "Yes, ano ngayon?" "Ow, okay. Maghintay ka lang at makakaalis ka na rin sa lugar na to." Napangisi naman ako at lumaki naman ang ngiti ng babaeng to. Mukha atang di nya nagets ang sinabi ni Sir sa kanya. "Oh I would loved to!" Hindi na nagsalita pa si Sir at nagsimula na syang tumipa ng keyboard ng laptop nya at ako naman ay naupo sa unahan nya. Patay kang bata ka. "Start." "Hmp! As if naman kaya ko talagang kabisaduhin lahat ng gusto mo! Basta ang sasabihin ko lang ay ang Simbol, name at ang mass nya!" napabuntong hininga naman ako sa babaeng to. Ibang klase talaga hindi ko kaya ang kakapalan ng mukha nya at ang pagiging out of class ng ugali nya. "Sige." Nawalan na ako ng gana sa babaeng to dagdag mo pa ang mga lalaki kanina. "Oh may idadagdag ako." Nakangisi namang sabi ni Yana "Dagdag mo na rin kung anong type sya, is it a solid, liquid, gas, unknown or metal. Also specify mo kung anong metal family sya member." "WHAT?" "Ano ayaw mo? Edi mabulok ka jan. Halika na guys may mga kailangan pa tayong asikasuhin." Sabi naman ni Min at akma na ring tatayo. Of course makikijoin ako sa kanila. "OKAY OKAY OKAY!" napangisi naman ako. Say what now Nikka? Sabi mo luluhod ako sayo? Mukhang ikaw pa rin ata ang aalis dito ng nakaluhod. I smirk. "Also...." -Jullia "Ano may idadagdag ka pa?! Hah! Akala nyo di ko kaya?!" "Wala pa naman kaming sinasabi na hindi mo kaya ah, takot masyado?" -Kass "In your dream." "Okay kung di ka takot ganito na lang..." mukhang may balak pa ata tong si Jullia ah "Kung ilan ang mali mo yun ang number ng days na i-stay mo dito." "WHAT?" "Sir Arnold wala naman pong problema doon hindi po ba?" nakangiting sabi ni Jullia at hindi pinansin ang inis na reklamo ni Nikka. "Wala namang kaso sakin pwede ko naman syang ilipat sa ibang room." Kung pagdating sa kalokohan wala na talagang tatalo sa mga kaibigan ko. "Start." Walang gana kong sabi, syempre kunwari lang. Gustuhin ko mang tumawa dito ng pagkalakas lakas kaya lang hindi ko pa rin naman magawa dahil sa nahahalata ko ang pagkafrustrate ng babaeng to and also ramdam na ramdam ko ang inis nya sa amin. Syempre gusto ko muna syang makitang nahihirapan since wala naman kaming kasalanan sa kanya, sya pa nga ang may utang sa amin eh. Pumikit si Nikka at saka nagsalita "Atomic number one, H, Hydrogen, atomic weight 1.008, non-metal." Non metal? "Ato-" "Wait." Inis naman syang dumilat at ngumiti ako sa kanya "What type of non metal?" "Niloloko mo ba ako Akesia?! May Type ba ang non-metal? Kaya nga non di ba? Tanga ka ba?" "First of all hindi kita niloloko. Second may type talaga ang non-metal. Third hindi ako tanga. There are two types of non metal. The other non-metal and the noble gasses." Nag cross arm naman ako sa kanya "Tinuro to noon sa dati nating school di mo ba tanda?" "Of course hindi nya yan matatandaan." Sabi naman ni Yana saka umupo sa tabi ko "Ang alam nya lang naman noon ay magpaganda!" Ramdam ko na kahit na inis na inis na si Nikka ay pinipigilan nya ang sarili nya dahil ramdam ko rin na konti na lang makakapatay na sya, as if naman di ba? "one wrong, one day." Nakangiti namang sabi ni Jullia. "Go on..." "Atomic number two, He, Helium, atomic weight 4.0026, non-metal, noble gasses." Tumingin sya ng matalim sa akin "Okay na?" Ngumiti naman ako "Okay na." Umirap naman sya sa akin pero hindi ko inalis ang ngiti ko. Syempre pang asar ko yun sa kanya. "Atomic number three, Li, Lithium, atomic weight 6.25, Alkali metals." "Its 6.94." sabi ko at nakita ko ang inis sa mukha nya. *** Dahil sa tagal ng pagrerecite nya samin noon ay inabot na kami ng gabi and all in all ay fifty six mistake ang nakuha nya kaya naman almost two monts sya mag-stay sa detention room. "Ay grabe buti na lang talaga naiwasan ko matawa kanina." Sabi ni Min habang hawak ang tyan nya "Kaya lang tara muna sa dorm natin langya natatae ako dahil sa pagpipigil ko ng tawa." "Hahaha, ew ka Min." Pang aasar naman ni Jullia. Nagsitawanan naman kami habang naglalakad papunta sa dorm. Hindi na kami kumatok since dito rin naman kami nakatira at mukhang wala naman atang nakapansin sa amin habang papasok kami. Tahimik din naman kasi kaming pumasok walang bahid ng ingay. "Nakakamiss na sila." Napatigil naman kami sa paglalakad at nagtinginan saka nakinig pa. "Kaya nga eh. Hindi ko alam na magiging empty shell pala ang mangyayari sa dorm natin at sa class natin nung nawala sila." "Kaya nga eh. Ni hindi pa nalabas sila Kesia sa laboratory nila." "Dagdag mo pa na sobrang busy sila at di na rin kayang umattend sa klase natin." "Nakakamiss ang kakulitan nilang apat ah." "Pati na rin yung malakunwaring prince charming na si Henry at ang awayan ni Mark at Kassey." Napangiti naman kami. Akala naming walang nakakamiss sa amin, akala naming okay lang sa kanila na wala kami, akala naming hindi kami kawalan sa klase nila kaya naman kahit na may free kami at pwedeng pumunta sa klase ay hindi naming ginawa kasi feeling naming hindi na kami para doon, feeling naming outcast kami, pero feeling lang naman pala yun, assuming naman ako. Tiningnan ko sila Yana at nagtatanong ang mga mata nila sa akin kung sincere ba daw ang mga sinabi nila kaya naman nag nod ako sa kanila. Ramdam ko. Miss na nila kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD