"Is it really okay?" Tanong ni Jullia nang makaalis na si Miss Joana sa laboratory natin. "Hindi ko alam kung nagsasabi sya ng totoo o nagpapaawa lang. Pwede din naman na magkakuntsaba sila ng Color Corp." Dagdag nya pa.
"That's impossible."
"Pano mo nasabi Kesh?" -Min.
"The way that Mister Black want to kill her is something. Okay let's start with this scenario, magkakuntsaba nga sila pero based sa kwento ni Miss Joana kanina inner circle is for inner circle so it means ang mga nasa number ten to one lang ang pwedeng maglaban laban. And they are not allowed to kill someone directly." Nag nod naman sila at saka ako nagsalita ulit. "Isa pa masama talaga ang feeling ko kanina para doon sa Mister Black na yun dahil na rin siguro sa naramdaman ko ang nararamdaman nya. The eay he wanted to kill her is not a form of alliance. Wala syang bahid ng pagpipigil."
"May point ka jan." Napangalumbaba naman si Kass at tumingin sa amin saka nagkaroon ng hologram sa harap namin. "I already got Mister Black's identity."
Parang nagkaroon ng sobrang pagkaexcite sa buong katawan ko dahil sa sinabi ni Kassey.
"His name is Joel Tolentino. Forty six years of age. Been employed at Color Corp for almost twenty six years."
"Woah. That long? No wonder kaya mataas na din ang naging position nya." Komento ni Yana at nag nod naman si Kass.
"Yes. He is also the founder of Black Organization. Originally there is no such organization like that before pero dahil mataas na ang katungkulan ni Mister Black kaya naman he had to lead an organization. He's part of an inner circle anyways."
Napasandal na lang ako at napahilot sa sintido ko. "Alam ko na di madali tong kinakalaban natin pero di ko alam na ganito pala kabigatin ang nakakalaban natin."
"Anong magagawa natin? Hindi naman natin naging kasalanan na gusto natin makatulong sa buong mundo. Sadya talagang may mga halang na kaluluwa."
"Tama si Jullia. Ano ngayon kung matataas ang katungkulan nila? Remember merong something sa atin na wala sila." -Min
Tumingin ako sa hologram ni Kass at nakita ko ang nakasulat sa ibaba ng logo ng Black Organization. "What is it? Pwede mo ba izoom?"
"Of course."
'Death is the wish of some. The relief of many and the end of all. '
Nagkatinginan kaming lima at saka nagkibit balikat.
"Baka iyan ang quote ng organization nila?" Di ko siguradong sagot pero sixty-forty ako.
"Pwede din. Pero kung yan nga di porque mamatay tayong lahat dapat na silang kumitil ng buhay aba anong akala nila sa buha na binigay ng lumikha isa lamanh laruan?!" Walang sumagot sa sinabi ni Yana pero oo, may tama sya.
"Look at this." Napatingin naman kami sa mala-TV na hologram ni Kass. Aba hanep. May painterview pa na nalalaman ang Mister Black na to. "Sometimes the world doesn't need another hero. Sometimes what it's need is a monster."
Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan sa speech nya. What the hell does he thinking? Is he even a human?
"He really lost his sanity. Hindi na ako magtataka kung makidnap tayo at machopchop." Napailing na lang ako sa biro ni Min pero hindi nakakatuwa ang speech nya.
In public sinabi nya yun? Di ba sya natatakot na baka may magalit sa kanya? Pero kung sabagay nababaliw na nga pala ang lalaking yan bakit pa ba ako magtataka? Silly me.
"So ano na ang plano natin?" Yana ask and then look at me.
"Why are you looking at me?"
"Hello Kesh wala dito si Henry automatic ikaw ang leader dito." I sigh with her comment "I miss him."
Natahimik kaming lima at parang wala atang may balak magsalita but then hindi pwede.
"We should pack our thing now." Naramdaman ko ang tingin nila nang tumayo ako. "We have to sleep with our family just for a night since hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa atin."
"Sabagay." -Min.
Nasa pharmacy pa rin naman ang mga pamilya namin at alam ko-namin na nag aalala na sila sa amin dahil di kami bumibisita kahit na may time kaming bisitahin sila. Natatakot ako sa itatanong sa akin ng mama ni Marvin, natatakot ako na masisi kung bakit di ko sila pinigilan sa mission nila at natatakot akong makita na nasasaktan sila.
Okay lang na ako ang masaktan wag lang ang taong mahahalaga sa akin.
***
"Permission granted." Nag bow kaming lima sa sinabi ni kuya Jared at ngumiti naman sya sa amin. "If you needed some help contact me and as soon as I can I'll help you. Hindi ko man kayo matutulungan personally but I have my ways. Ipapaalam ko rin to sa phantom para may idea sila na ang kalaban natin ay kakampi ng kalaban nila." Nag nod naman kami.
"Okay po."
"Before you leave I want you to have this." Saka kami binigyan ng isang pares ng earings. "That's a tracker para naman alam namin kung nasaan kayo. Gawa yan ng class E at gumagana yan hangga't nandito kayo sa earth."
"Whoa. Nag improve sila ah" bati ni Min at napangiti naman kami.
"We don't have enough time to thank them so send our gratitude for us kiya Jared." Sabi naman ni Yana at ngumiti ito.
"May magagawa ba ako? Nagmamadali kasi kayo masyado pero kung sabagay kailangan nyo rin naman. Go help the boys masyado na silang natatagalan sa mission nila."
We chuckled. At least kahit papaano alam na namin kung saan namin sila hahanapin.
"Whatever happened please don't tell to others." Nag nod si kuya Jared sa sinabi ko. "Also, Miss Joama from Life Company can be trusted. If something happened they can help you."
"Sure?"
"Yes. I already confirm it."
***
"Hi kuya Rod long time no see." Bati ko and he smiled.
Pogi talaga. Charot.
"Kuya Rod will be our driver again?" Natatawa namang sabi ni Yana.
"Alam nyo kayo kung di ko lang kayo kilala napagbabatukan ko na kayo. Dalian nyo malayo layo ang pharmacy dito."
Napapout na lang kami sa kasungitan ni kuya Rod. Meron ba sya ngayon? Baka, sungit kasi.
Habang nasa byahe kami kung ano ano ang naging usapan. Napabalik kami sa pagiging batang 90's dahil sa mga laro na naalala namin, sa kinaibahan ng mga generation ngayon. Hanggang sa napunta sa love life kung saan si Min ay naghihimutok ganun din naman si Jullia na di makahanap ng boyfriend dahil sa sobrang protective ng kuya nya.
Hanggang sa mapunta sa topic na kailangan namin harapin.
"Balita ko kakalabanin nyo na daw ang Black Organization." Sabi ni kuya at tumingin sa rear mirror.
"Opo. Kailangan eh masyado nang maraming napapahamak." Sagot ko at nag nod si kuya.
"Sabagay. Halos pitong m******e na ang napabalita sa buwan na ito."
"WHAT?"
Hindi lang ako kundi lahat kami.
"Kuya. Pito? As in?" Di pa rin makapaniwalang tanong ni Kass at nag nod si kuya Rod.
"Oo. Hindi ba kayo nanonood ng TV?" Umiling naman kami at natawa naman sya ng mahina.
"Aba kasalanan ba namin na wala kaming time?"
"Bakit Min may sinabi ba ako?" Nakangiting sabi ni kuya at natawa naman ako. "Totoo pitong m******e na ang natatala sa buwan na ito."
"Any clue?" Jullia asked.
"Not yet. Pero iisa lang sila ng pinagtatrabahuan which is ang Color Corp." Napabuntong hininga naman ako.
"Seryoso kuya? Wala pa talaga kayong lead? Nanjan na oh tutukain na kayo." Sabi ko at nakita ko naman na nag nod ang mga kaibihan ko.
"Kahit gustuhin man namin na ituro ang lahat sa Color corp pero di kaya. Masyadong malakas para kalabanin ang Color Corp at kung babanggain derekta ng CIA ang corp na yan mapapahamak ang lahat."
Walang nagsalita sa amin. Sabagay tama si kuya. Kung nagpapadalos dalos ang mga kasamahan nya baka mas maraming mga inosenteng nadamay sa gulo na ito.
Sakit talaga sa ulo ng Color Corp na yan. Bakit di pa kasi sila mamatay.
Ops. I'm bad.
Hindi lahat ng tao nananatiling mabait. Tinuruan nila kaming tubuan ng sungay at buntot at tuturuan din namin sila in return, tuturuan kung paano magputol ng buntot at sungay.