Maaga pa lang ay agad na kaming nag-asikaso sasadyain naming pumunta sa mga faculty offices ngayon araw dahil sa gusto naming malaman kung anong magiging itsura nila Ma’am Reyes at Ma’am Marie, alam kong alam na nila na nawawala ang sphere nila.
“Okay lang ba talaga na itry natin ito sa kanila?” tanong ni Yana at nag nod ako.
“Oo okay lang since kakatapos lang din naman natin nyan at natry na din naman natin sa sarili natin yan.” Sagot ko naman habang inaayos ang laboratory gown ko.
Healing pills. Naisipan naming gumawa ng ganito dahil sa kakailanganin namin to in the near future. Ito ang pinaghirapan naming sa loob ngahabang isang buong linggo dahil sa madalas sumasabog ang combination na ginagawa namin and this time nagsucceed na kami. Thank goodness!
Kahit na sobrang tagal ng isang linggo para sa research namin worth it naman.
“Wala naman atang mawawala.” Napatingin kami kay Min at inaayos nya naman ang high sock nya “Kahit naman na bigyan natin sila ng tig-iisang bottle wala naman atang mawawala since hindi din naman nila malalaman ang compound combination na ginamit natin since nilagyan natin yun ng dugo natin.”
Tama. The secret is our blood. Hindi nila magagawa nang maayos ang pills na ginawa namin kahit na alam man nila ang ingredients dahil kakailanganin pa rin ito ng mga dugo namin. Ang kulay ng pills na ginawa namin ay nakadepende sa coumpound na nakahalo doon at isama na rin ang dugo namin.
“Hindi ko talaga alam kung paano naging sangkap ang dugo natin. Kung siguro hindi to nadiscover ni Kesh siguro wala pa tayong nagagawa ngayon.” Sabi naman ni Jullia.
Totoo ako ang nakapansin noon. Simula pa lang, doon pa lang sa Miracle Pills alam ko na na may kulang at aksidente ko namang napatakan ng dugo yun at nag bago ang kulay and then tiningnan ni Henry at tapos ang usapan.
“Buti na lang pala naalis na natin lahat ng bug dito kung hindi baka si kamatayan nasa pinto na natin at kumakatok.” Sabi naman ni Kass at nag agree naman kami.
“Correction Kass matagal nang kumakatok si kamatayan sa pinto natin baka kamo iwasiwas nya na sa atin ang kalawit nya.” Sabi naman ni Min at natawa kami.
May point din naman.
May class ngayon kaya naman binalak na lang namin na sa classroom na lang naming gawin, hindi naman sa nagmamayabang kami gusto ko rin na malaman nila ang ginawa naming dahil paglabas nila pwede din nila itong sabihin sa labas na nakaimbento na naman kami ng ibang pills.
Nag umpisa kami sa first year section E. Sabi ni kuya Jared this year lang daw nadagdag ang E dahil sa may kakaiba din sa mga student dito, mga barely passed sila sa exam at mga one point na lang para pumasa kaya binigyan ng chance para umangat. As far as I know lima na sa kanila ang nalipat sa D at B pero wala pa sa C at A. Hindi ko alam kung anong system ang gamit nila para makalipat but its okay as long as mag-lelevel up sila.
Ang maiiwan naman sa E ay syang magiging student ng bagong curriculum na gagawin ni kuya Jared ang Technology Section. Dito na papasok ang mga advance technology na pwedeng gawin and maabutan pa rin naman naming yun and sa mga first batch ng class na ito ay kasama kaming mga verdant ellipse even the fourth year.
Kumatok si Yana at nag excuse nang makita naman kami ng teacher ay napangiti naman sya saka kami pinapasok.
“Whats bring you here guys?” nakangiti nyang tanong at nag bow naman kami. “Oh wait bago nyo sagutin ang tanong nyo...” tumingin sya sa klase nya “Class this is Second year Verdant Ellipse pay your respect.” Nagsitayuan naman sila at saka nag bow.
“You may sit now.” Nakangiti kong sabi “Nandito po ako ma’am para idemonstrate sa inyo ang bago po naming naimbento.” Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng teacher at pati na rin sa mga estudyante.
Of course alam nila kung sino kami at kung ano na ang mga nagawa namin at kahit na sabihan nila ang sarili nila na hindi na sila magugulat hindi pa rin nila ito masasabi.
“Good morning guys~, good morning ma’am.” Paunang sabi ni Yana at saka sya ngumiti “For one week we dedicate ourselves to finish this liquid pills and what is it? Here take a look.”
Inilabas naman ni Min ang isang testube na may kulay grey na liquid sa loob. Yes, grey ang kinalabasan ng dugo namin na nakahalo sa compound ng pills.
“This grey colored liquid pills named Healing pills can heal any kind of external wound. I repeat e x t e r n a l, not included ang interal wound.” Nakangiti nyang sabi.
Umabante si Kass at may hawak syang kutsilyo medyo napagasp pa nga ang iba ng makita nila ito even si ma’am napagasp din at natakot. Sasawayin nya na sana kami ng umiling si Jullia sa kanya para pigilan. Sinugatan ni Kass ang kanang kamay nya at nakita nila ang dugo kaya naman napasigaw ang iba pero nang ininom naman ni Kass ang pills agad naghilom ang sugat walang bahid ng peklat at ang dugo na lang sa may laboratory gown nya ang naiwan.
“WOW.” They all shout.
“Bibigyan naming kayo ng tig tatatlong tablet pills nito kaya sana naman ingatan nyo.” Nakangiting sabi ni Jullia
“OPOO”
Pinapila naming sila at nagbigay kami ng pills na nilagay na naming sa maliit na plastic, yung nilalagyan ng tigpipisong kape. Hahaha. Lima naman ang binigay ko kay Ma’am at natuwa naman sya.
Buti na lang talaga bawat room ginawa nang sound proof para hindi maabala ang nasa ibang class at ang mga nasa loob incase na maingay sa labas. Nagpaalam kami at agad naman kaming nag bow sa kanila ganun din naman sila sa akin. Ramdam ko ang pagkamangha nila at respeto na ibinigay nila sa amin kaya naman napangiti kaming lahat. Sunod naming pinuntahan ay ang Class D at kapag sinuswerte ka nga naman si Misis Reyes ang nagbabantay sa kanila.
Pinayagan nya kaming pumasok nang malaman nyang may idedemonstrate sya at ang kaninang pag aalala na nasa mukha nya ngayon ay wala na. Nararamdaman ko na alam nyang may mahalagang gampanin na naman itong ginawa namin pero kahit na ganun naramdaman ko pa rin ang takot at kaba sa puso nya dahil sa pagkawala ng sphere na iniingatan nila.
Well I won’t bother giving it back. Like duh~
Inilabas naman ni Min ang testube ulit na laman ang liquid version pero this time isinama na rin sa paglabas ang tablet version.
“This is grey liquid pills and this tablet version pills was named Healing pills.” Natuon naman ang atensyon ng lahat kay Min, sya na kasi ang nagsalita. “Also we have a demonstration.”
This time si Yana naman ang nagdemonstrate. Halo halo ang nararamdaman nila kaya naman ako gusto ko rin kumain ng halo halo. Charot. Nararamdaman ko ang pagkagulat nila nang makita nila ang kutsilyo sa kamay ni Yana at takot na rin syempre. Nang hiwain na ni Yana ang braso nya napagasp ang lahat at syempre gaya na rin ng sa section E napasigaw na rin ang iba dahil sa takot pero agad din namang kumalma ng sinabihan ko sila na manood lang at nakita nila ang agarang paghilom ng sugat ni Yana.
Cool.
Creepy.
Ang dami nilang comment but all in all we gain their trust and respect. Natuwa pa nga sila nang sinabi naming magbibigay kami ng table version and nakuha naman ni Misis Reyes ang atensyon ko dahil sa naramdaman ko sa kanya. Ibibigay nya ito sa higher up nila. She give me no choice but to give her only three table same sa student. Aangal pa sana sya pero hindi na nya tinuloy.
***
Nakakapagod oo pero kung ang respeto naman nila at tiwala nila ang makukuha mo worth it. Tapos na kami sa first year, second year at third year ang last na lang ay sa fourth year. Kung sa first year medyo takot pa sila sa mga nakita nila sa second year hindi, ewan ko ba parang sa kanila astig na astig pa sila sa ginawa naming pagsugat sa sarili namin. Yung mga dati pa naming classmate nagsisigawan nang makita kami ibang klase. Sa third year naman tuwang tuwa din sila more pa nga daw eh. May nagtry din at natuwa din dahil wala nang naramdamang sakit ng inumin iyon.
Fourth year, class B. Ito ang hawak ni Miss Marie kaya naman binantayan ko ang nararamdaman nya. Mahirap na baka magkamali pa ako nito.
“Good morning ma’am sorry po sa isturbo pero may kailangan lang po kaming idemonstrate sa fourth year B.” Napatigil si ma’am at napatingin sa amin saka nag nod at pinapasok kami.
Tahimik lang ang fourth year B kahit na curious sila sa gagawin naming eh nanjan pa rin ang pagiging collective nila. Buti na lang hindi kami nahihirapan sa fourth year.
“Galing kami sa lower year kaya sorry kung medyo haggard na kami.” Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Kass “Anyway siguro naman po kilala nyo na kami so no need na for introduction, proceed na agad tayo sa demonstration naming since gusto na rin naming magpahinga.” Tumawa naman kaming lahat.
In fairness hindi sila mahirap kausap.
“Yung hawak ni Yana na testube na may lamang grey na liquid ay ang tinatawag naming Healing Pills yung tablet naman na hawak ni Jullia is yung tablet version ng Healing pills.” Hindi sila nag murmur instead they listen to us, this is what we called matured. Goodness ang galing lahat sila nakikinig! Lahat sila attentive at naramdaman ko na lahat sila interesado. “This pill can cure any kind of external wound.” Nag nod sa akin si Kass saka ako umabante.
Napataas naman ang kilay nila nang makita nila ang kutsilyo na hawak ko saka ko ito itinapat sa palad ko at hiniwa ko ito. Napangiwi pa nga ako sa hapdi nang nararamdaman ko at ipinakita ko iyon sa kanila napa-ew pa nga sila sa ginawa ko. Binigyan ako ni Kass ng liquid version at saka ko ito ininom pero nakaharap pa rinse kanila ang palad ko at nakita naman nila kung paano ito unti unting naghilop.
Wow.
Yan ang natanggap naming sa kanila at the same time naearn din naming ang respeto nila. Success.
“Magbibigay po kami ng tig tatatlong pills.” Nakangiting sabi naman ni Min at napayes naman ang lahat “But make sure po na sa pinaka malalang external damage nyo ito gamitin.” May nagtaas ng kamay kaya naman tinawag ko ito.
“Nakakagaling po ba to ng mga skin problem? Gaya ng galis at iba pa?”
“Opo. Kahit anong sugat po basta external napapagaling po nito.” Sagot ko at nakita ko naman ang pag asa sa mukha nya.
“Thank you. Sa wakas magagamot ko na ang kapatid ko.” And then nag bow sya. Not normal na bow. Jusmiyo naka luhod na ata sya.
Lahat kami nagulat at napangiti naman ang mga class B fourth year saka sila nagbow sa amin.
I felt overwhelm. Hindi ko naman akalain na ganito ang mangyayari. Napatingin ako kay Miss Marie at naramdaman ko rin ang pagkathankful nya sa ginawa naming pero hindi pa rin mawawala doon ang gusto nyang makakuha para sa sarili nya at wala syang balak ibigay sa corp pero nagdadalawang isip sya dahil sa malalaman ng corp na meron sya ng pills dahil kay Misis Reyes.
I gave her five tablet para naman hindi sya magdalawang isip.
To be continued...