Divina's POV Kaagad na lumabas si Gariet mula sa kotse nito. Nakita niya siguro si Shunn kaya lumabas kaagad ito sa kaniyang kotse. Akala ko pa naman nagmamadali siya dahil gusto niyang maagang pumasok sa office dahil ilang araw na siyang 'di pumapasok. Umakbay naman ito sa akin. Alam kong masama at 'di maayos ang unang pagkakakilala at pagkikita ni Shunn at Gariet. Hindi ako nagkakamaling ang sama ng tingin ni Gariet kay Shunn. "Anong ginagawa mo dito?" salubong ang kilay ni Gariet habang tinatanong si Shunn. Habang hapit niya ang bewang ko. Bahagyang ngumiti si Shunn, bago pa man makasagot si Shunn inunahan ko na kaagad ito. "A-ahmm...si S-Shunn ang may-ari ng restaurant na tinatrabahuan ko." napatungo ako, parang may maling nagawa. Wala namang masama kung nagtatrabaho ako sa pagmam