Gariet Mikael's POV Hindi ako mapakali. Kailangan kong makausap ang lalaking 'yon. Hinahampas ko ang manibela habang nagmamaneho patungo sa restaurant kung saan nagtatrabaho noon si Divina. Kung saan pagmamay-ari ni Shunn Ferrer ang EX -boyfriend ni Angelica. Kakausapin ko lang naman ang lalaking nakabuntis kay Divina. Ngayon pa lang gusto ko na siyang ambunan ng suntok. Hanggang sa wala na siyang mukhang maihaharap dahil napuno na ito ng dugo. "s**t!" Sapo ko ang aking noo. Bakit kalahati ng isipan kong natutuwa dahil buntis si Ina. Kalahati naman ay nagagalit dahil kay Shunn ang batang dinadala ni Divina. s**t! Ayaw ko ng isipin pa. Mababaliw ako. Mababaliw ako sa kakaisip na ang asawa ko nabuntis ng ibang lalaki. Shit! Damn! Ipinarada ko kaagad ang sasakyan. Hindi na ako n