"Wife," tawag sa akin ni Gariet. Inaayos niya ang mga dala namin na gamit sa compartment. Niyaya niya kasi akong magbakasyaon sa sorsogon. Tuluyan na nga akong umalis sa restaurant. Hindi alam ni Shunn na tuluyan na akong umalis sa resto niya. Wala na rin akong balak pumasok pa dahil balak ko na sabihin na kay Gariet pagdating namin sa Sorsogon. Habang abala ako sa pag-aayos ng iba pa na maliliit na dala naming gamit sa loob ng kotse. Bigla na lang akong niyakap ni Gariet mula sa aking likuran. Inamoy-amoy pa ang buhok ko at ang aking leeg. "Why do I always miss you?" bulong niya sa akin habang yakap niya ako mula sa aking likuran. Napangiti naman ako. "I want to hug and caress you all day," dagdag pa niya sa akin. Humarap naman ako sa kaniya para gantihan ang halik niya sa a