• PAULINE POV • KINABUKASAN ay parang bumalik sa dati ang buhay ko at this time ay maraming nagbago, tulad na lang ng pagiging sweet ni Aidan sa akin maging sa anak naming na si Ailine. Walang oras na lumipas na hindi pinatunayan ni Aidan ang pagmamahal niya sa akin. Sa ngayon, pakiramdam ko ay ako ang pinakamasuwerte na asawa sa buong mundo. Binalaan din ako ng asawa ko na huwag magkikilos at gumawa ng kahita ano, maging ang pagkiha ko ng baso para uminom ay pinagbawalan niya. Ang tanging dapat ko lang daw gawin ay ang tawagin ang pangalan niya at kahit nasaang parte pa siya ng bahay ay pupuntahan niya ako para pagsilbihan lang. Natatawa nan ga sina manang at mang Rudy sa kanya maging ang ibang mga maids naming sa kanya. Nakiusap nan ga ako sa kanya na bumalik na siya sa trabaho