• AIDAN POV • “Arnold? Anong balita?” Tanong ko agad pag dating niya dito sa office ko. Dalawang lingo na pero wala pa rin kaming lead kung nasaan ang asawa k. Lahat na ng hospital sa buong pilipinas ay pinahanap ko na sa kanila, maging ang mga pamilya naming ay nag hired na ng mga private people para hanapin ang asawa ko. Hindi naming magawang humingi ng tulong sa mga connection naming dahil siguro kami na mag tatake advantage ang mga ito para pabagsakin ang kumpanya naming. Maging ang hawak na kumpanya ni Pauline, ay nagkakaron na ng problema dahil hinahanap na siya ng mga investor at client niya kaya pinaasikaso ko muna kay Jian, lahat ng mga kalian ayusin. Mabuti na lang ay alam ni Jian kung paano ang pagpapatakbo ni Pauline dito. Alam kong mapagkakatiwalaan ito dahil kaibigan niya