• AIDAN POV • “Ok, just update me everything,” sabi ko kay Arnold. “Yes, Sir.” Sinara ko na ang bintana ng kotse ko tsaka umalis na papunta sa office ko. Nagpunta na muna kaso ako sa office ni Pauline para kamustahin ang field niya sa pag-aalaga ni Jian. Mabuti na lang at maayos pa rin ito kahit na wala si Pauline. Binigyan ko muna ng isang lingo na bakasyon si Jian dahil simula ng hinawakan niya ang field ni Pauline ay hindi na ito halos umuwi sa kanila. Grabe ang pinayat nito ng makita ko siya, ayoko naman na lalong magkasakit ito dahil alam ko na kung nandito si Pauline ay mapapagalitan ako non dahil sa ginawa ko sa secretary niya s***h friend niya. Ayaw pa ng asana pumayag ni Jian na magbakasyon dahil inaalala niya na baka magkaproblema na naman kapag wala siya. Hindi niya din maiwas