• AIDAN POV • ISANG BUWAN na ang nakalipas, nandito pa ako sa hospital at hindi iniiwan ang asawa ko. Aalis lang ako para pumunta sa office ko kapag may importante akong kailangan i-meet na cliet at kapag may mga emergency meeting ang board member ng company. Kapag may mga kailangan naman pirmahan ay dinadala na lang sa akin ni Kurt ang mga ito. Alam na din ng buong bansa na may anak kami ni Pauline. Nang lumabas ang balita na ‘yon ay naglabasan din ang mga litrato ng anak naming na si Ailine. Naging usap-usap ang anak naming at hanggang ngayon ay usapan pa rin ito kaya maingat kami na wag muna itong ilabas-labas kaya lang ‘di maiwasan ng pamilya na hindi ilabas ang anak namin lalo na kapag naiinip na ito sa bahay at nag-aaya lumabas at mamasyal. Maraming humahanga sa pagig