• PAULINE POV • Three Years Later “Mommy… mommy! Wake up naaaaa!” Nagising ako ng biglang sumigaw ang kambal habang tumatalon-talon sa kama namin mag-asawa para gisingin ako. “Tanghali na! Gising na dali mommy…” sabay na sabi nina Aciel at Élyséen tsaka binuksan ang malaking kurtina sa gilid ko. Nag-unat na lang ako habang nakapikit pa ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw. Wala pa sana akong balak bumangon kaya lang hindi ako titigilan ng kambal. “Yey finally gising na si mommy,” masayang sabi ni Élyséen tsaka sila nag apir ng kuya niyang si Aciel. “HAPPY BIRTHDAY MOMMY NAMING MAGANDA!” malakas na sabi nila tsaka itinapat sa akin ang isang cupcake na may maliit na candle sa ibabaw nito. “Thank you kambal. Lika nga kayo dito,” inispread ko ang mga kamay ko para yakapin sila.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books