• PAULINE POV • KINABAHAN ako sa sinabi ni Aidan, alam kong kayang-kaya niyang gawin ang mga ‘yon. Abnormal talaga ‘yung asawa ko. “Sus! Kunwari kapa pero gusto mo rin naman. Excited ka na nga umuwi kasi gusto mo na matikaman ang mga position na sinabi nag asawa mo,” bulong ng konsenya ko. Iniling-iling ko naman ang ulo ko dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. “Ahahahah! Tumigil ka nga, para kang baby diyan!” sita ko “Gusto ko ng isa pang baby,” pangungulit ni Aidan habang hinihimas-himas pa rin ang tummy. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng dessert habang si Aidan ay nakasimangot pa rin na bulong ng bulong ng kung ano-ano kaya natatawa na lang ako minsan dito dahil parang bata na hindi napagbigyan ng laruan. “Hoy! Get a room, diyan o! sa tapat, hotel ‘yan