• AIDAN POV • “F*ck sh*t! Run” bulong ni Kiel. Taranta kong pinindot ang communication link sa mga police para sa bagong location namin. Nangako sila na darating sila agad ng kahit ano mang oras kaya itinago ko ang phone ko sa malaking puno para hindi mawala ang link ng location namin at baka hinid pa kami mahanap ng mga police kapag nagkataon. “Anong problema?” tanong ko kay Kiel nang lumapit ako sa likod niya. Nakita ko ang mga mata niya kung gaano siya katakot ngayon. “Mukhang nakita nila tayo,” sabi niya. Tsaka nagpalabas ng dalawang malalaking aso ang mansion, bumakas ang malaking gate at galit na tumakbo palabas ang dalawang aso. “Takboooo!!!” Tumakbo kami sa kakahuyan at binilisan pa namin lalo kaya lang masyadong mabibilis ang mga aso at baka ilang sandal lang ay maabutan