Mabibigat ang paa ni Kia na nagpunta sa deriksyon namin at galit na galit na nakakuyom ang kamay.
Nandito na naman ang malditang feelingera.
“Buong akala ko, nadispatsa ka na. What are you doing here?”
Bigla namang nag-init ang tenga ko.
“I’m the one who should ask you that, you’re not even a family member. What on earth brings you here, huh?”
Kitang-kita ko kung paano nag 360 ang eyeball niya.
“Sid is beyond you, stop flirting with him!”
Hinawi n’ya ang kamay naming magkahawak.
This b*tch!
“Carol!”
Makikipagbanatan pa sana ako kay Kia nang paparating na sa pwesto namin si Renz. “What?”
“Look, Sid, napakarami n’yang lalaki. That Carol is not for you!”
Napameywang naman si Renz. “Hoy, babaeng tilapyang kuda nang kuda. Hindi ako lalaki ni Carol, isa pa, kung sa tingin mo, bagay sa’yo ang suot mong bistida, pwes hindi. Mukha kang posteng nilagyan ng kurtina.”
Literal na namula ang buong mukha ni Kia sa narinig mula kay Renz.
Bumulusok ang kamay ni Kia sa mukha ni Renz at rinig na rinig ko ang lagapak no’n. Nagulat naman ako at pumagitna sa kanilang dalawa.
“Renz! Kia, are you out of your mind?"
Napapaling ang mukha ni Renz pero maya-maya ay narinig ko na itong tatawa-tawa at masamang tumingin kay Kia.
“Puwede pasampal din pero padakot?”
Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o hindi sa naging reaksyon ni Renz.
“Renz, calm down. Kailangan mong puntahan si Pablo, nagkasugat ka.”
Bakat na bakat ang kamay ni Kia sa morenong kulay ni Renz. Grabe namang humaribas ang babaeng ‘yon.
“You deserve it, bastard!”
“Enough.”
Hinigit ni Sid si Kia palayo sa amin at kinausap ng patago, paniguradong pinapagalitan na ni Sid.
“Hudas ‘yon a,” bulong ni Renz habang pinupunasan ang dugong nasa labi n’ya.
“She’s a war freak girl, hindi mo na dapat pinatulan.”
Adwang tumingin sa akin ang kausap ko. “Harap-harapan ka ngang binabastos e, saka utos din ni Bossing na idispatsa ko na ‘yang Kia para daw wala ng hahadlang sa’nyo ni twin brother n’ya.”
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng dress ko at ibinigay sa kanya. Kahit naman lagi kaming nag-aaway nito ay naaawa pa rin ako sa kanya and the fact that pinagtanggol n’ya ako ay wala na akong dahilan pa para mainis sa kanya ngayon.
“Ngayon, ang gustong malaman ni Boss ay ang update kay Bea.”
Napatango ako. “According to Sid, Bea’s all right. She’s in a good condition.”
Mahinang napailing si Renz. “Masama ‘to. Gumawa ka ng paraan para malaman natin kung saang parte ng hacienda tinatago ni Sid si Bea.”
Muli akong napatango, medyo madali naman na iyon lalo pa ngayon na parang nakukuha ko talaga ang atensyon ni Sid. Medyo nagu-guilty ako pero wala akong magagawa.
At the end of the day, hawak pa rin ako ni Luxx sa leeg. Kailangan ko pa ring magtagumpay sa mission ko.
Get Bea and surrender her to Luxx.
“Goodluck, Carol. Bumalik ka agad ha, medyo na o-offend na rin ako sa luto ni Bossing e.” Simangot na simangot ito.
Tinapik n’ya ang balikat ko at muling sumigaw. “TilapKIA!”
Rinig na rinig ko naman ang inis na sigaw ni Kia. “Get away from me!”
“Hindi pa tayo tapos, may utang na sampal na padakot ka pa sa akin!”
Hinila n’ya si Kia palayo kay Sid habang wala namang nagawa ito at tanging pinagmasdan lang ang katawan no’ng dalawa na papalayo.
Muli akong napatingin sa kwarto namin sa third floor.
Wish me luck, evil Luxx.
~*~
Napabuntong hininga ako at napasandal ang likod sa pinto ng kuwarto ni Dad dito sa Hacienda de Venice. Katatapos ko lang s'yang kausapin. He's really invested in Sid, he's really thinking that we are starting to make a relationship. I can't blame him, Sid status is on another level.
Ngayon ko nga lang din nalaman na aside from being a summa c*m laude, he is also running an embroidery business that he inherited from his parents.
It's already three in the morning pero hindi pa rin ako nakakapahinga. The party was fun and very classy pero sobrang purga ako sa nangyari kaya naman hindi rin ako nakapagsaya.
I started walking towards my room and thinking about all of the possible things that might happen if I failed this mission.
Tsk, where are you, Bea?
Sobrang tahimik ng buong hacienda pero gano’n na lang ang pagkagulat ko nang may biglang may nakakarinding umalingawngaw sa kusina.
What the hell is that?
Walang ingay akong pumanhik sa kusina at sinimpat kung may tao ba ro’n. Hindi bukas ang mga ilaw at isang lampara lamang ang nakita kong nagbibigay ilaw sa buong kusina.
Bigla akong napatalon sa gulat nang makita ang isang babaeng may dala-dalang basket at puno ng mga pagkain galing sa refrigerator.
Mabilis n’yang kinuha ang lampara at dahan-dahang lumabas ng bahay.
“Bea,” bulong ko at maingat ko s’yang sinundan hanggang sa makarating kami sa hardin ng hacienda.
Naglighten na ang mga bruises n'ya at ibang iba na rin ang aura na meron s'ya ngayon.
Walang ano-ano ay pumasok s’ya sa isang lagusan na napapaligiran ng mga branch ng kahoy at halaman.
So, do’n ka pala tinatago ni Sid.
Walang pagdadalawang isip na sinundan ko s'ya papasok sa lagusan. Gano'n na lang ang pagkabila ko nang madatnan ang tila isang bahay, madilim ang paligid kaya naman ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong bahay ay mula sa bilog na bilog na buwan galing sa malaking balkon ng bahay.
“Now, tell me what he did to you and what is your position in his gang?”
Awtomatiko akong napatigil nang dumaloy ang mga salitang ‘yon sa tenga ko.
Sid…
Narinig ko ang mahinang tawa ni Bea. Itinago ko naman ang sarili ko sa isang cabinet kung saan hindi nila ako mapapansin.
Mahinhing umupo sa isang sofa si Bea at kinuha ang isang mansanas sa basket. “Sa oras ba na sinabi ko sa’yo ang lahat ng nalalaman ko, isusuplong mo ako sa mga pulis?”
Kitang-kita ko ang mukha ni Sid na walang katense-tense na nakatingin kay Bea. Chill na chill s'yang humigop ng isang energy drink sa isang can at nakadekwatrong nakaupo sa single sofa.
He reminds me of his twin but in angelic aura, his aura is calming but with a little bit of naughtiness. Tipong hinding hindi ka matatakot sa kanya, santo nga kung tawagin ni Luxx.
“Why? Still afraid about your late Boss?” He brushes his silky hair in a soft way down to his sexy neck. The white cat patch on his collar caught my attention again.
Tss, cat lover.
Mabilis umiling si Bea.
“Then why are you still afraid of spilling all his bad actions? Nasa puder na kita ng ilang araw and I think that is enough to convince you na hindi ako katulad ng kambal ko.” Mas inigting n’ya ang kan’yang tingin kay Bea.
“I will not betray you nor report you to the authorities.”
“Embroidery business,” bulong ni Bea habang ang mansanas ay malapit na n’yang maubos.
Mabilis na nakuha n’ya ang atensyon ni Sid na mas umigi ng upo.
“Anong alam mo sa embroidery business?” takhang tanong ni Sid.
“Anong kapalit lahat ng sasabihin ko sa’yo?” Napangisi at napangiti ng maliit si Sid sa narinig mula kay Bea.
“What do you want? Let me know, as long as it's all worth it that you're gonna spill.”
Napangiti ng tagumpay si Bea at napaiwas ng tingin. Pumunta s’ya sa balcony at sinilip ang napakagandang tanawin ng hardin.
“Gusto bawiin ni Luxx ang embroidery business na ipinamana ng mga magulang nyo sa'yo.”
Gumuhit ang gulat sa mukha ni Sid. “Why will he do that? The last time I checked, he didn't want to inherit anything from our late parents. That's why naiwan sa akin ang embroidery. Anong dahilan n’ya?”
Muling mahinhin na nagsalita si Bea, “Alam kong alam mo ang tungkol sa Inferno at ang mga underground battle kabilang na ang mga illegal guns and bullet na ipinagbebenta n’ya international and local.” Bahagyang tumango si Sid.
“Sa mga nagdaang taon ay humina na ang kita ng kanyang illegal business dahil sa pagsusuplong mo sa gawain n'ya,” pagpapatuloy ng kan'yang kausap.
Tumango-tango naman si Sid na parang proud sa kanyang ginawa. “Sobra n’yang kinagalit ang bagay na ‘yon pero nitong nakaraang buwan ay nakatanggap s’ya ng balita na gusto nang bawiin ni Sean Montecer ang Inferno sa kamay ni Luxx.” Humarap si Bea kay Sid at bahagyang lumapit.
“Kaya ngayon ay naghanap s’ya ng pagkukunan ng ibang pera para maipagpatuloy n’ya ang nasimulan n’ya at ‘yon ay ang kunin ang embroidery business na naiwan ng mga magulang n’yo.”
Malalim na nag-isip si Sid. “Sean Montecer? His name is familiar.”
Napatango si Bea. “S’ya ang huling namuno sa Inferno at nagpalaki kay Luxx walong taon ang nakakaraan.”