CHAPTER FOURTEEN

1509 Words
"How's Bea?" I asked while looking at the unfamiliar dish in front of me. "Why did you ask?" Sinagot n'ya rin ako ng tanong. Sumandok s'ya ng kanin at nilagyan ang bamboo plate ko. "Ang tagal na no'ng huli ko s'yang nakita and I don't have any update from her, that's why I'm asking." Lihim akong napabuntong hininga dahil nagsisimula na ako para sa mission ko. Wala akong choice kung hindi magsinungaling dahil inaamin ko na medyo naging interesado ako sa buhay nilang magkambal. Bukod kasi sa mission ko para kay Luxx ay gusto ko silang tulungan. Hindi ko alam kung paano sila pagbabatiin pero ang nananalangin akong magkaayos na sila. Hindi na iba ang turing ko kay Sid dahil alam ko na s'ya ang kakampi ko dito sa Alfonso. Habang si Luxx naman ay alam kong ginagamit lang ako pero no'ng narinig ko ang kwento nila ay medyo nag-iba ang tingin ko sa kanya. I know that he is not pure evil. Sana lang ay tama ako. "She is in good condition now, she is working under my embroidery business." He filled my plate with different dishes with a smile on his face. I smiled back. He is so handsome with a class. His navy blue long-sleeved polo suits him very well. Hindi s'ya nagsinungaling sa akin about kay Bea kaya bigla akong naguilty. Ngayon nagsink-in sa akin na lolokohin ko lang s'ya in the end. I am working with his enemy at kulang ang salitang dissapointment para idescribe ang mararamdaman n'ya sa akin kapag kinuha at ibinigay ko kay Luxx ang eksaktong lokasyon ni Bea. Hindi tanga si Sid at ako agad ang paghihinalaan n'ya kapag nangyari 'yon Wala s'yang pinakitang masama sa akin at inaadbyad n'ya ako oras-oras actually he's treating me like his friend but in a flirty way. I admit that gusto ko rin naman 'yon but Luxx left me no choice. Kapag hindi ko nagawa ang mission ko ay ako din ang malalagot. Hindi ako natatakot sa kayang gawin sa akin ni Luxx, natatakot ako sa puwede n'yang gawin kay Dad, stepmom, mga tao sa hacienda and of course kay Sid. At sa oras naman na pumanig ako kay Sid ay lalo lang magagalit si Luxx. "How is he?" Napahawi ako ng buhok at lalong napangiti sa kan'ya. "Stop, I know what you are thinking." Napatawa ako at tiningnan ko s'ya in a teasing way. "Miss mo s'ya no?" tanong ko. Bigla n'ya akong pinitik sa noo. "Hey! What's that for, huh?" Hindi 'yon sobrang sakit pero nagulat ako sa ginawa nya. "Pwede ko s'yang puntahan anytime kung gusto ko, Carol. What I mean is how is he as your boyfriend?" Napasandal ako sa aking upuan. "We are not in a relationship, okay?" "I know na nilinaw mo na sa akin 'yan when we're at the garden in Lexington but it keeps on bothering me." He paused and he pulled his sleeve in a sexy way. "How did you get there?" Para akong nanigas sa kinauupuan ko. "How come na nakilala mo na agad s'ya? You disappeared in a blink of an eye and after you went missing I got the news that you had a relationship with him." Nabibilaukan ako sa sarili kong laway. Kala ko ay hindi n'ya na ako tatanungin pa about sa bagay na 'yan. Pagpapatuloy n'ya, "That's why I don't make any effort to find you kahit gustuhin ko because Inferno sent me these pictures." May inilabas s'yang isang maliit na brown envelope at inilapag sa harap ko. What should I do? Corner ako. I didn't expect na mahuhuli n'ya ako. Binuksan ko ang envelope. It's my stolen shot na namalagi ako sa HQ. Karamihan sa mga picture na 'yon kuha sa puno ng nara sa may burol malapit sa HQ. May ilan naman na nagluluto ako sa kitchen. Meron pang cctv screenshot na kasabay kong kumain si Luxx, Renz and Pablo. I remember this picture, ito 'yong unang gabi ko sa HQ. Hindi 'yon photoshop kaya napahugot ako ng malalim na hinga. Kaya naman pala no'ng nakita ko s'ya sa market at kumukayaw pa sa mga tao ay mukha s'yang walang pake sa nawawala kong katawan. The f*ck are you thinking Luxx Velasquez! May gana ka pang magsinungaling na hindi sa akin nag-aalala si Sid. "I met him before I got in Hacienda de Venice then he message me to visit him to HQ. I never imagine naman na palalabasin n'yang we're in relationsip," I said in a chill way para hindi n'ya ako mahalata. Nakatingin lang s'ya sa akin na para bang may kulang pa sa sinabi ko. Napapeke ako ng ubo nagsimulang humigop ng sabay sa soup bowl. "You know what? You are right, hindi ko dapat s'ya pagkatiwalan. His aura is dangerous." Tumawa ako para hindi n'ya mapansin ang kaba sa boses ko. He smiled na parang tubig na nagpawala ng bara sa lalamunan ko. "Good thing you realized that in a short time. Luxx's is untrusted human being, be careful to him." Hinawakan n'ya ang kamay ko. Magsasalita pa lang ako no'ng biglang nag-ring ang cellphone ni Sid. SLM ang nasa caller ID. "Excuse me, I need to answer this call." "Sure, take your time." Pinisil n'ya ang kamay ko saka tumayo at pumunta sa labas ng restaurant. Kinuha ko ang purse ko para maretouch. I'm sure na nahaggard ako sa nangyari sa akin kanina. Muntik na akong mahuli ni Sid bu-- "Excuse Ma'am, here is your chichabu." Mabilis akong napatingin sa waiter na biglang nagserve ng dish. "Uh, I'm sorry Sir but we don't order this one." Takang-taka ako sa waiter, gano'n na lang ang pagkabigla ko na makita si Renz. "The heck?" bulaslas ko. Anong ginagawa ng tipaklong na 'to rito. Abot tenga s'yang nakangiti sa akin. Waiter na waiter ang outfit n'ya. Naagaw naman ng atensyon ko ang nameplate n'ya. ‘Kilabot ng Alfonso’ "Ngayon lang ako nakakita ng gan'yang kahabang nameplate." Pabiro n'ya naman akong tinulak. "Kakamiss ka rin Carol ha, infairness." Napatingin ako kay Sid na busy pa rin sa kausap sa phone. "What are you doing here? Baka makilala ka n'ya." Suway ko dahil kapag nahuli s'ya katapusan ko na rin. "Kaya nga ako lumapit no'ng wala s'ya." Kinurit ko s'ya sa binti. "Aray naman, hindi mo man lang ba titikman 'tong chichabu na dala ko?" "Chichabu? What's that?" Umirap ito in masculine way. "Chicharong bulaklak, hina ng kokote mo. Ipagpasalamat mo mamaya na may hitsura ka ha." Hindi ko na napigilan na sapukin uli s'ya. Sa t'wing nagkakasama kami nito ay lagi s'yang nakakatanggap ng batok. "Nakaka-offend na ha, may dimple na 'yong bunbunan ko dahil sa'yo." Hindi ko s'ya pinansin at nilapitan s'ya ng ayos at bumulong dahil hindi lang naman kami ang na andito sa restau. "Anong kailangan mo? And where's Luxx? Kailangan ko s'yang makausap." Kumuha s'ya ng chichabu at ngumuya. "Huwag ka nang bumulong lahat ng nakadine-in d'yan ay kakuntsaba natin. Pwera do’n sa isang table.” Napalibot ko naman ang mata ko sa paligid. Tsk, may ilan nga sa kanilang nakasama ko sa HQ. "Gusto malaman ni Bossing kung anong update san'yo ni Vice Mayor." "Pakisabi sa Bossing mo na kailangan ko s'yang makausap sa personal. I don't have any contact number of him kaya hindi ko s'ya macontact." "Ano gatas mo nung baby ka Carol? Hindi naman 'yan ang tanong ko e." Aambahan ko sana s'ya ng suntok pero pinigilan ko ang sarili ko. "Muntik na akong mabuko buti na lang ay nagawan ko ng paraan. Malakas ang kutob kong hindi n'ya ako pinaghihinalaan." Muli kong sinipat si Sid sa labas. "Huwag mong hahayaan na mawala sa tingin mo Sid, yan ang sabi ni Boss para sa'yo." Nguya lang sya nang nguya. "Can you tell Luxx na alam ko na ang pinaplano n'ya about sa embroidery business ni Sid. Puwede bang huwag n'ya na lang ituloy ang binabalak n'ya, mas lalo lang lala--" Pinasukan ni Renz ng napkin ang bibig ko. Itinapon ko naman 'yon sa kan'ya. "Renz!" "Plano ay plano. Operation 0.1, seduce the Vice Mayor. Huwag mong kalilimutan 'yan. Sa oras na hindi mo inayos ang mission asahan mong hindi ka na makakawala sa sumpa ni Boss." Hindi ko na pinansin pa ang sinabi n'ya. "I don't like Bea, para s'yang may tinatago." Napataas naman ang kilay ni Renz sa akin at pinagpagan ang kan'yang daliri. "Talaga?" sarkastiko n'yang saad. 'Yong ibinato kong napkin sa kan'ya ay ibinalik n'ya sa akin. "Imeet mo si Boss sa location na 'yan, siguraduhin mong sisipot ka. Mukhang miss ka na ata. May address sa napkin pero bago ko pa madigest ang lahat ng sinabi 'yon ay may pumalakat na babae sa isang table malayo sa amin. "Hey, waiter!" Kia? That b*tch! "Pag talagang minamalas ka nga. Spy na 'yan ni vice e," bulong ni Renz. "Kung hindi lang 'yan anak ng Mayor, nabigwasan ko na 'yan e." Sumenyas sa akin si Renz at umalis na dahil paparating na rin si SId. Napahilot ako sa sintido ko dahil nasakit na 'yon kakaisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD