CHAPTER 32 - TULONG O BAYAD?

2403 Words

“Stella?” Tinatamad na nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang nakatayong kapitbahay namin na si Aling Josie. Bago ko pa matanong si Aling Josie kung ano ang kailangan niya sa akin, naunahan na niya akong magsalita. “May naghahanap sa ‘yo,” sabi niya, sabay turo sa direksyon sa labas ng bakuran namin. Sinundan ko ng tingin iyong itinuturo ni Aling Josie. Nakita ko doon si Leslie. Hindi ko rin inaasahan ang nasa tabi nito, walang iba kung hindi si Kai. Parang atubili si Leslie na pumasok sa bakuran namin. Nasa mukha pa nito ang pagtataka, kaya tumayo na ako para salubungin sila ni Kai. “Stella, hindi ko alam na– “ huminto si Leslie sa sasabihin niya, tila hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin. “I mean…sorry, hindi ko kasi alam na may namatay sa inyo,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD