NAIINIS na ipinatong ko ang bag ko sa upuang nakalaan para sa akin. Alam kong nakatingin sa akin ngayon si Leslie at naghihintay na batiin ko siya dahil ngayon na lang uli kami nagkita pagkatapos ng isang linggo. Pero sa sobrang inis ko, hindi ko siya magawang batiin dahil wala ako sa mood. Pakiramdam ko kasi talaga, naisahan ako kanina. “Hello… Miss? Naliligaw ka ba?” narinig kong sabi ni Leslie. Lalo tuloy akong nawala sa mood pero naupo na ako sa tabihan niya nang hindi pa rin nagsasalita at hindi siya pinapansin. “Huy! Ano ba’ng nangyari sa iyo? Pwede nang pagsabitan ‘yang nguso mo sa sobrang haba. Galing ka sa HR, di ba?” dagdag pa ni Leslie. Saka lang ako tumingin sa kanya. “Naiinis kasi ako!” mahinang sabi ko, sabay tingin ko sa mga tao sa mga katabing mesa namin, “naisahan k

