Hindi ko pa naman lubusang nailalagay ang telepono ko sa loob ng bag ko, pero mabuti na lang at mahigpit ko itong nahawakan at hindi humagis. Biglang lumipad ang tingin ko kay Brandon. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa akin. Babalewalain ko na sana ang matalim na tingin niya sa akin at sisitahin ko siya nang narinig ko ang sunod-sunod at halos sabay-sabay na tunog ng mga busina ng mga sasakyan mula sa likuran namin. Lumingon ako sa likod. Ang tanging nakita ko ay mga ilaw ng mga sasakyan. Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ng mini truck namin nung gabing maaksidente sila Nanay at Tatay. Mga larawan iyon noong gabing iyon. Ipinakita sa amin ng mga pulis na nagpunta sa bahay namin kinaumagahan. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng litratong iyon. Madilim dahil halos gabi pa, pero

