*Few weeks later* Akisha's pov Nakauwi na kami ng Pinas at halos isa't kalahating buwan kaming nag bakasyon sa States at puro gala ang ginawa namin kaya naparami ang nabili naming souvenirs at ngayon ay nag hahalukay ang limang tukmol sa dala naming bag na puno ng souvenirs. Umakyat muna ako dahil medyo pagod ako sa biyahe. Naligo muna ako saglit at natulog agad. Zachary's pov Umakyat ako at sinilip si Akisha. Pag pihit ko ng doorknob ay nakita ko si Akisha na tulog. Lumapit ako sa kanya at inayos ang pagkakumot sa kanya at hinalikan siya sa noo. Bumaba nako at kinuha ang susi ng kotse. "Boss, san ka pupunta?" tanong nila. "Sa kompanya. Bantayan niyo si Akisha ha" saad ko at sumaludo sila. Nakarating ako sa kompanya at dumeretso na sa floor ng opisina ko. "Sir!" sigaw ng sekretary