Akisha's pov "Akisha, Akisha wake up. Your baby is born" dahan dahan kong minulat ang mga mata ko and there I saw my husband carrying our child. "He's perfect, wifey" Dumating ang ambulansya at pinutol nung nurse ang umbilical cord ng bata tsaka ito kinarga. Si Zach naman ay binuhat ako papunta sa bed stretcher at ipinasok sa loob ng ambulansya at sumunod na rin si Zach sa loob. "Thank you, wifey. Thank you for bringing me another adorable kid" bulong niya at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ako at ipinikit muna ang mga mata ko at kaagad ding nakatulog. ... Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Zach na nakapatong ang ulo sa gilid ng kama at hawak ang kamay ko. Pinag masdan ko ang natutulog niyang mukha hanggang sa nagising siya.