Akisha's pov "Hush now, wifey. I promise you, we'll find them. Ok?" bulong niya habang kinukulong ako sa kanyang mga bisig. Kanina ko pa kinakagat ang mga kuko ko at nginig na nginig ang buo kong katawan. Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig dahil sobrang nanginginig na talaga ako. Ni hindi na ako makaiyak dahil parang naiyak ko na lahat kagahapon pa. Zachary's pov "Lance, kumuha ka ng tubig" utos ko habang nakayakap pa rin kay Akisha na nanginginig pa rin. "Shhh. Tahan na" umupo ako sa tabi niya at pinasandal ko siya sa balikat ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya. "Boss" saad ni Lance at inabot sakin ang tubig. "Wifey, drink this" tinignan niya ito at unti unting inabot. Tinulungan ko siyang hawakan ang baso dahil sa sobrang nginig niya ay muntik na niyang mabitawan