Mabilis na lumipas isang buwan at nakasanayan na n'ya ang araw-araw na gawain sa bahay. Pag gisijg ihahanda ang damit ng asawa at ipagluluto ito ng almusal. Housewife na housewife s'ya, tulad ng ginagawa ng Mommy n'ya sa Daddy n'ya, feeling nga n'ya nakikita n'ya ang mga ginagawa ng Mommy n'ya noon sa Daddy n'ya sa mga ginagawa n'ya ngayon kay Giovanni. At natutuwa s'yang pagsilbihan ang asawa na wala ng din naman ginawa kundin iparamdam at ipakita sa kanya kung gaano s'ya nito kamahal. At alam n'yang mas mamahalin pa s'ya ng asawa pag dumating na ang baby nila. Kahit busy sa pag-aasikaso kay Giovanni may time pa rin naman s'ya para lumabas at mag kape kasama sina Ellise at Anya, paminsan-minsan sumama din naman si Lianne sa kanila. Wala naman silang pinag-uusapan kundi tungkol lang sa