Giovanni-49

1530 Words

Pagdating sa bahay agad na binaba ng asawa ang mga gamit n'ya sa likod ng kotse. "Let's get inside," anyaya nito, sa kanya habang nakasunod ng tingin sa asawa. Nabawasan nga ang timbang ng asawa, mukhang dinibdib yata nito ang paghihiwalay nila ng ilang araw. "Sa guest room na lang ako," sabi nito matapos maiakyat ang mga gamit n'ya sa masterbedroom. "Why?" Tanong n'ya sa sinabi nito. "Baka gusto mong mapag-isa," "Sinabi ko na ang mga kondisyon ko sa pagsasama nating muli hindi ba? At wala akong sinabi na maghihiwalay tayo ng silid," litanya n'ya at pumasok sa loob ng silid. Nais lang naman n'yang pasakitan ng kaunti ang asawa, para makita na hindi lang katawan n'ya ang habol nito. At kasama sa pagpapasakit n'ya kay Giovanni ang magtabi sila sa kama still, no touch and everything.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD