Makalipas ang tatlong araw nakalabas na s'ya ng ospital. Nakauwi na sila ni Gian sa bahay nila. Nakaraos s'ya ng ligtas sa panganganak. Mahirap, masakit at nakakatakot ang manganak, pero aaminin n'yang napakasarap sa pakiramdam lalo ja pag nasilayan mo na ang batang dinala mo sa sinapupunan mo ng siyam na buwan. Walang katumbas na kaligayaan. At masasabi n'yang handa n'yang gawin ulit ang bagay na 'yon, handa s'yang muling mag sakripisyo. Dumalaw ang mga magulang n'ya at ang Kuya Lance n'ya at si Julia. At tuwang-tuwa ang mga iti kay Gian at iisa lang ang sinasabi ng mga ito, na kamukhang-kamukha ni Giovanni si Gian, kulay lang ang nakuha daw ni Gian sa kanya, may kaputian kasi si Gian at tan naman si Giovanni. Kaya panigurado sa kanya namana ng anak ang kulay. Ngayon pa lang nag-aalala n